ANG PAGSASAGAWA NG PLANO

303 8 25
                                    

KINABUKASAN

GENERAL'S PROVERBS

SA KAHARIAN NG LIREO

Katulad nga nang pinag-usapan ay nagkita-kita sa lahat sa Lireo at naghati sa dalawang grupo sila Pirena,Amihan,Mira,Lira,Azulan,Ybrahim,at Paopao ay sila ang magtutungo sa Kaharian ng Niyebe upang hanapin si Angelo habang sina Alena,Danaya,Memfes at Aquil naman ay pupuntang Devas para hingin ang tulong ni Emre.

SA KAHARIAN NG NIYEBE

MIRA'S PROVERBS

Nakarating na kami sa kaharian ng niyebe katulad nga ng dati ay tahimik ang paligid at hindi na kami magtataka may mga vedaljeng susulpot at sasalubong sa amin.

Kagaya nang inaasahan ay may mga halimaw at mga pashneang kawal niyebe agad na sumalubong sa amin.

YBRAHIM:Mga vedalje,estasectu!

MIRA:Avisala mga Pashnea!

KAWAL1:Atayde!

Linusob kami nang mga vedalje siyempre hindi kami magpapadaig sa kanila lumaban kami gamit ang aming mga sandata ngunit hindi na nakatiis sa Yna kaya ginamitan niya na ito ng brilyante kaya naging abo ang karamihan sa mga ito si Ada Amihan naman ay kinunan ng hininga ang karamihan sa mga kawal kaya konti nalang ang natira habang ako ay gumamit ng kapangyrihan na handog sa akin ni Emre kaya napatumba namin ang lahat ng kalaban.

AZULAN:Para mas maging madali ang ating paghahanap ay maghiwa-hiwalay tayo!

Sumang-ayon naman kami sa plano ni Ama pagkalipas nang ilang segundo ay nakaramdam kami na may nag-ivictus sa aming likuran akala namin mga vedalje kaya natutok namin ang aming mga sandata kina Muros at Hitano.

PIRENA:Pashnea! akala ko kung sino alam niyo ba na muntik ko na kayong saksakin!

MUROS:Poltre Hara!,siya nga pala naparito kami upang tumulong sa inyo.

AMIHAN:Avisala eshma Mashna, ngayon mas mapadali pa ang ating paghahanap!😊

LIRA:Tama ka Nay,Kuya Muros at Kuya Hitano doon na kayo sa hilagang bahagi ng palasyo maghanap.

HITANO:Masusunod mahal na Diwani!

GENERAL'S PROVERBS

SA KANLURANG BAHAGI NG PALASYO

Magkasama ang Hara at Rama ng Hathoria upang ikutin ang hilagang bahagi ng palasyo may bantay sa bawat sulok kaya dahan-dahan silang naglakad at palihim na pinatumba ang mga bantay nang saganon ay mapasok nila ang unang silid.

PIRENA:Ako na dito sa kanang bahagi ng silid ikaw naman sa kaliwa.

Tumango naman ang Rama bilang pag-sangayon lalakad na sana palayo si Pirena ngunit hinila siya ni Azulan papalapit sa kanya a hinalikan.

PIRENA:Seryoso nagawa po pang manghalik sa ganitong sitwasyon?!

Saway niya sa asawa.

AZULAN:Pampaswerte at pangtanggal ng pagod!

Pilyo niyang sabi sabi kindat sa Hara ngumiti naman si Pirena sabay sabing..

PIRENA:Ashtadi kahit kailan ka talaga Azulan! sige na magsimula na tayong maghanap.

Naikot na nila ang silid ngunit wala pa rin silang mahanap palabas na sana sila ngunit may mga kawal na nakakita.

KAWAL:Mga vedalje!

AZULAN:Tanakreshna!,estasectu!

Sinugod sila ng mga ito nagawa naman nila lumaban gamit ang kanilang sandata at angking galing sa pakikipaglaban kaya nadaig nila ang mga ito ngunit may paparating na mas maraming kalaban kaya ginamitan na ito ng brilyante ni Pirena.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon