KAHARIAN NG NATHANIEL
GENERAL'S PROVERBS
Kasalukuyang nasa silid pulungan ang Hara ng mga diwata,Mira,Paopao,at Angelo upang planuhin ang pagpasok nila sa Lireo hindi na nila isinama ang mga batang Sangre sapagkat nagsasanay pa ang mga ito kasama nila Muros at Hitano.
LIRA:Kailangan na nating maghanda at kailangan nating dalhin ang Septre ni Ila Minea nang saganon ay meron tayong karagdagang proteksyon sapagkat hindi basta-basta ang ating kalaban.
PAOPAO:Sige hintayin niyo nalang ako sa punong bulwagan ako na ang magtutungo sa kamara ng mga brilyante.
Tumango naman sila Lira bilang pagsang-ayon saka lumabas na sila sa silid pulungan habang si Paopao ay nag-ivictus patungo sa kamara ng mga brilyante upang kunin ang septre ni Minea habang naglalakad si Lira,Mira,at Angelo patungo sa punong bulwagan pagdating nila doon ay nakita nila si Alana at Cassandra naglalakad papalapit sa kanila.
CASSANDRA:Saan kayo pupunta Yna?
LIRA:Magtungo kaming Lireo upang iligtas si Yna.
ALANA:Hmm...maari po ba kaming sumama?
MIRA:Poltre ngunit hindi maari baka mapahamak lang kayo.
ALANA:Pero Ate kami po ang mga itinakda di ba ang ibig sabihin niyan ay mas malakas pa kami kay Ravana.
CASSANDRA:Oo nga po at anong saysay na pagiging itinakda namin kung hindi niyo kami isasama.
LIRA:Kayo nga ang mga itinakda ngunit hindi pa kayo masyadong bihasa sa pagamit ng inyong mga kapangyarihan saka hindi pa kayo handa upang Harapin si Ravana.
ANGELO:Tama ang Hara kaya hindi namin nais na mapahamak kayo kay huwag ng matigas ang inyong mga ulo at bumalik na kayo sa inyong pagsasanay.
Saka nagbuga ng buntong hininga ang dalawang Diwani saka naglakad na papalayo ilang sandali lang ay dumating na si Paopao bitbit ang septre ni Minea.
PAOPAO:Anong nangyari bakit bagsak balikat naglakad si Alana at Cassandra?
MIRA:Nalungkot sapagkat hindi namin sila pinayagang sumama patungong Lireo.
PAOPAO:Ganon ba kawawa naman,ngunit para din sa ibubuti nila na hindi niyo sila pinayagan sa sumama.
ANGELO:Ganon na nga,at tayo ng magtungo sa Lireo.
Saka nag-ivictus silang apat.
KAHARIAN NG LIREO
Pagdating nilang sa Lireo ay agad silang sinalubong ng mga alagad ni Ravana saka tinutukan ng sandata.
KAWAL1:Mga vedalje!
LIRA:Hindi kami nagtungo dito upang mangulo nagtungo kami dito upang kausapin ang inyong Bathaluman,kaya pakiusap papasukin niyo na kami.
KAWAL2:Hindi maari kaya umalis na kayo!
MIRA:Papasukin niyo kami o papaslangin namin kayo?! (Saka tinutok niya ang kanyang Brilyante sa mga kawal)
KAWAL1:Puntahan ko lang ang Bathaluman dito muna kayo(Saka naglakad palayo)
Ilang sandali lang ay bumalik na ang kawal saka sinamahan sila patungo sa loob.
RAVANA:Avisala mga diwata,kung itatanong ninyo sa akin kung nasaan ang magkakapatid na Sangre at ang kanilang mga kabiyak ay hindi ko sasabihin kung saan ko sila itinago,kaya kung ako pa sa inyo ay aalis nalang ako!
LIRA:Hindi kami aalis dito hangga't hindi namin kasama ang mga magulang namin,batid ko rin na may hihingin kang kapalit upang makasama namin sila di ba?
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?