SA TIMOG
CASSIOPEA'S PROVERBS
Pagdating namin sa kuta ay nilinis na namin ni Esmeralda ang katawan nila Ama at Yna pagkatapos pinuntahan ko ang aking kapatid sa kanyang kubol upang tingnan kung nagkamalay na ba siya at gising na nga siya.
CASSIOPEA:Mabuti naman na gising ka na.
AGATHA:Oo nga, siya nga pala nasaan sina Yna?
CASSIOPEA:W-wala na sila pinaslang sila ni Animus.
AGATHA:Pashnea!magbabayad talaga ng mahal ang mga Etherian na iyan!
Sabi niya habang tumatangis,paalis na sana siya ngunit siya ay aking pinigilan pagkat hindi ko nais na siya'y mapahamak dahil siya nalang ang meron ako.
CASSIOPEA:Huwag kang magpadalos-dalos baka mapahamak ka!
AGATHA:Anong gusto mong gawin ko tumunganga nalang?!
CASSIOPEA:May tamang panahon upang maningil tayo sa mga Etherian!
AGATHA:Di ba may kakayahan kang makita ang mga nagaganap?! bakit hindi mo nakita na mapahamak ang mga magulang natin?!
CASSIOPEA:Sinubukan kong makita ang magaganap nila Yna ngunit may anong pananggalang ang bumabalot dito!
Ilang segundo lang ay dumating ang aming Aldo.
EVADES:Hindi makakatulong ang pagtatalo niyo tama si Cassiopea hindi tayo dapat magpadalos-dalos ang atin ngayon ay gumawa ng plano kung paano natin daigin ang mga kalaban!
AGATHA:Sabi na nga ba si Cassiopea na naman siya nalang ang palaging tama!(Saka naglakad palayo)
Makalipas ang ilang sandali lang ay nagsimula na ang seremonya para sa huling pamamaalam nila Ama at Yna ilang minuto lang ang makalipas ay kinuha na sila ng retre.
Pagkatapos ng seremonya ang nagtungo ako sa silid sambahan upang manalangin kay Emre.
CASSIOPEA:Mahabaging Emre hanggang kailan magtatago ang mga diwata at hanggang kailan may magbubuwis ng buhay at dadanak ang dugo!
May nakita akong liwanag sa kalangitan at nakita ang aming Bathala na bumaba sa kalangitan.
EMRE:Narinig ko ang iyong panalangin Cassiopea at nakita ko rin ang mahabang panahon na naghihirap kayo sa mga kamay ng mga Etherian kaya heto na ang panahon na matapos na ang inyong pagtitiis,kaya ipinagkaloob ko sa iyo ang Ynang Brilyante gamitin niyo iyan upang talunin ang mga Etherian.(Sabay abot niya sa akin ng brilyante)
CASSIOPEA:Avisala eshma Mahal
na Bathala. (Sabi ko habang kinuha ang brilyante mula sa kanyang palad)EMRE:Nais ko ring magtungo ka sa Sapiro at Hathoria pagkatapos sabihin
mo na nais niyong makipagkaisa sa kanila.Kaya sinunod ko ang sinabi sa akin ng Bathala na makipagkaisa kaming nga Diwata sa dalawang kaharian na binanggit sa akin ni Emre at sumangayon naman sila na sumama kami sa kanilang hukbo.
Pagbalik ko sa aming kuta ay nagtataka ako kung bakit labis-labis nalang ang galit sa akin ng aking kakambal.
AGATHA:Pati din naman si Emre ikaw itong pinapaburan ako dapat ang mangalaga sa Ynang Brilyante na pinagkaloob niya hindi ikaw pagkat mas magaling at matalino ako sa iyo isa ka lang mahinang nilalang!
CASSIOPEA:Hindi ko naman iyon hiniling kay Emre kusa niyang ibinigay sa akin ang Ynang Brilyante!
AGATHA:At tinanggap mo naman na batid mo na may mas karapatdapat kaysa sa iyo!
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?