ANG LABANAN SA LIREO

342 7 0
                                    

SA KAHARIAN NG LIREO

GENERAL'S PROVERBS

Malapit na sumapit ang gabi kaya inihanda na ng mga diwata at kanilang mga kaalyado ang kanilang mga sarili sa papalapit na labanan nasa punong bulwagan ang lahat pagkat may naisip na bagong taktika ang Hara ng Hathoria upang lansihin ang mga kalaban.

ESMERALDA:Batid kong may nais kang imumungkahi Hara!

PIRENA:Oo Ila Esmeralda,batid nating lahat na kahit pa gaano kadilim ang paligid ng buong Encantadia ay mangingibabaw pa rin ang liwanag ng Lireo,ngunit ngayon ay babaguhin natin ito!

PAOPAO:Babaguhin?ano ang ibig mong sabihin Ate Hara Pirena?

PIRENA:Ang ibig kong sabihin ay tanggalan natin ng liwanag ang kaharian na ito habang paparating pa lang sila dito nang saganon ay malilito at maliligaw ang mga kalaban.

DEMETRIA:Magandang plano iyan Pirena ngunit paano tayo makakakita kung madilim ang ating paligid?

PIRENA:Kaya kong utusan ang aking brilyante na bigyan tayo ng paningin sa kadiliman ngunit mamaya ko na gagawin iyon.

Tumango naman ang lahat bilang pagsang-ayon.

ALENA:Siya mukhang sumang-ayon tayong lahat sa plano ni Hara Pirena kung ganon ay ihanda na nating ng ating mga sarili at ang mga kawal.

AQUIL:Mga kawal at mga Mashna maghanda na tayo,estasectu!

Nagtipon-tipon na ang mga kawal mga Hara,Rama,Diwani,Mashna,Rehav,at Sanggre at nagtungo sila sa kanilang itinatalagang lugar upang abangan ang mga kalaban.

SA KAHARIAN NG NIYEBE

Nagpupulong ang panig nila Agatha sa kanilang hakbang na gagawin laban sa mga diwata magsisimula na sana sila ngunit kanilang napagtanto na wala si Angelo sa kanilang kaharian kaya pintawag ng Hara ang mga kawal upang ipahanap ang kanyang nawalang Hadia pagkatapos ay nagsimula na sila sa kanilang pagpupulong.

AGATHA:Natitiyak kong abala ngayon ang mga diwata sa kanilang mga gawain bagkus hindi nila alam na lulusubin natin sila mamayang gabi!😈

ANDORA:Tama ka doon Hara at mapapasatin na rin ang Lireo kahit na may ibinigay na sumpa sa'tin si Cassiopea pagkat gagamitin natin ang kanyang anak.

BERTO:Paano naman natin nasisiguro na sa atin papanig ang Angelo na yan na hindi nga natin siya kasama dito!

CRISELDA:Sheda Berto!hindi mo ba naisip baka nasa paligid na iyon lang iyon ?! kaya nawawala siya.

BERTO:Ewan ko sa inyo dahil wala akong tiwala sa Angelo na iyan!

GURNA:Tumigil nga kayong dalawa diyan pagkat nakakahiya na nagtatalo kayo sa harapan ng ating Hara at Bathaluman!

ETHER:Tama na iyan!,sa paglusob natin sa Lireo ay ang paraan na ginagamit natin sa nakaraang digmaan ikaw Agatha laban nila Pirena,Criselda laban nila Amihan,Andora laban kay Alena,at Gurna laban kay Danaya,Berto laban kay Mira at Lira samantalang ako laban kay Cassiopea pagkat natitiyak ko na tutulungan sila ng kanilang Bathaluman.

Biglang may pumasok sa silid pulungan at iniluwa nito ang kawal na inutusan ni Agatha upang hanapin ang kanyang Hadia.

KAWAL:Poltre kung nagambala ko kayo,hinanap na namin sa Angelo sa buong paligid ng palasyo ngunit hindi namin siya mahanap Hara!

AGATHA:Tanakreshna!,nilibot niyo na ba ang bawat sulok ng kaharian at wala kayong nahanap?!😠

KAWAL:Oo Hara kaya paumanhin!

AGATHA:Makakaalis ka na!

KAWAL:Masusunod!

BERTO:Itutuloy pa ba natin ang pagsugod sa Lireo na wala na ang iyong anak-anakan?!(Sarkastiko nitong sambit)

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon