GENERAL'S PROVERBS
Nang bumalik na ang mga Hara, Rama,Rehav,Mashna,Hara Durye, Bathaluman,at Paopao sa mundo ng mga tao ay inanunsyo na nila ang tungkol sa naganap saka inihatid nila ang mga taumbayan sa kanilang kanya-kanyang mga tahanan sa mga oras na iyon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga taong kumampi nila Ether at tumulong na rin ang mga diwata pagkatapos ng ilang linggo ay nahuli din at nakulong ang mga ito.
Pinakiusapan ng mga diwata ang mga awtoridad na hindi muna ikukulong ang mga bilanggong nakatakas matagal-tagal na panahon na ang nakalipas sapagkat kailangan pa nila ang mga ito bilang mga mata at tenga nila sa mundo ng mga tao at binigyan nila ng kasiguraduhan ang mga awtoridad na kung may gagawin mang hindi kanais-nais ang mga ito ay sila mismo ang magpaparusa.
Habang si Berto naman ay binigyan ng pagkakataon ng mga diwata upang magbago at manuluyan siya sa tahanan ng mga diwata bilang isa sa mga bantay sa simula ng mamatay ang hari ng mga mulawin na si Daragit ay di na nagpapakita si Tuka nila Almiro walang kahit isa sa kanila ang nakakaalam kung saan ito nagtungo.
Sa tindi ng pinsala ng mga gusali ng dahil sa digmaan ay mukhang imposible na itong maayos ng mga mortal kaya tinulungan ng mga diwata ang mga tao ng ayusin ang lahat ng pinsala gamit ang mga brilyante at kapangyarihan hindi lang iyon tinulungan din nila ang mga mortal na pumili ng karapatdapat na pinuno at miyembro ng konseho dahil sa kagitingan at sakripisyong ginawa ng mga diwata ay binigyan sila ng parangal ng bagong presidente at pinapangakong maging parte sila ng kasaysayan.
Sa Avila ay hinirang si Anya ay Almiro bilang bagong Hari at Reyna sa mundo ng mga mulawin katulad ng mga mortal ay tinulungan din sila ng mga diwata upang makabangon.
Pagkatapos ng ilang buwan ay nalutas na rin ng mga Hari at Reyna ang pinsalang naidulot ng mga halimaw kaya sinundo na mga pinuno ang kanilang mga anak sa mundo ng mga tao pabalik ng Elementia.
Nang matapos na lutasin ng mga diwata ang kanilang suliranin sa kanilang negosyo pagkalipas ng ilang buwan ay naisipan nilang bumalik Encantadia.
SA FORBES PARK TAHANAN NG MGA DIWATA
Naghanda ng umalis ang magkakapatid na Sanggre kasama ang kanilang mga kabiyak si Cassiopea at Paopao bitbit ang kanilang mga importanteng kagamitan pagbaba nila sa hagdan ay nadatnan nila sila Choleng at Jigs kasama ang kanilang mga ibang tauhan na nakaabang sa kanila na medyo malungkot ang mga mukha.
AMIHAN:Ninang,bakit po ba kayo nalulungkot diyan hindi naman pupuntang ibang bansa.
CHOLENG:Hindi nga kayo pupunta sa ibang bansa pero pupunta naman kayo sa ibang dimensyon.
YBRAHIM:Oo pero malapit lang naman iyon, at huwag kayong mag-aalala dahil bibisita kami dito buwan-buwan.
JIGS:Pangako sir bibisita kayo dito?
PIRENA:Oo Kuya Jigs kaya huwag na kayong malungkot diyan papangit kayo sige ka! (Biro ng Hara at nagtawanan naman ang lahat)
AZULAN:Kaya kuya Jigs itigil mo na ang pagdrarama diyan pangako rin mga susunod pagbisita namin ay isasama namin sila Alana.
JIGS:Sige na nga hindi na ako magdradrama.
ALENA:Nais naming magpasalamat sa inyo na tinanggap niyo kami na walang halong panghuhusga na pinadama niyo sa amin na isa kami sa inyo kahit iba kami.
MEMFES:Avisala eshma din sa pag-aalaga ng aming mga anak habang abala kami sa paghahanap ng paraan upang lutasin ang mga suliranin dito.
EVELYN:Nako Sir maliit na bagay lang po iyan kompara sa mga ginagawa niyo para sa amin.
DANAYA:Ngunit Malaking bagay na iyan para sa amin kaya tanawin namin itong malaking utang na loob.
AQUIL:Maraming salamat din na naging matapat kayo sa amin sa loob ng sampung taon dahil diyan ay naisipan namin na taasan ang sweldo niyo.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasíaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?