VANESSA'S PROVERBS
Pagkatapos ng nangyari sa akin ay bumalik na kami sa kinaroroonan nila Kuya Angelo at sa iba pa naming mga kasama.
ANGELO:Batid kong may katanungan ka sa iyong isipan Vanessa,mabuti pang magtungo tayo sa aming tahanan upang mapag-usapan natin iyan.
VANESSA:Sige po,pero pwede po ba na papuntahin ko sila Nanay at Tatay?
MIRA:Kung iyan ang iyong nais,at kung ayos lang sa iyo ipasundo namin ang mga magulang mo.
VANESSA:Salamat po ngunit nakakahiya naman kung ipasundo niyo pa sila.
CASSANDRA:Ano ka ba girl hindi na kayo iba sa amin kaya okay lang!
VANESSA:Salamat talaga ha!😊
DASHA:Mabuti pang bumalik na tayo sa kotse para makauwi na tayo.
ALANA:Mabuti pa nga pagkat napapagod na rin ako.
Pagdating namin sa bahay nila Cassandra ay nandoon na ang aking mga magulang kausap sina Tita Amihan at nang makita nila kami ay pinakilala muna nila Alana si Juno at dumeretso agad boardroom nang saganon ay mapag-usapan namin ang mga kaganapan ngunit sila Nanay at Tatay ay walang kamalay-malay sa mga pangyayari.
HAYDIE:Bakit niyo po kami pinapunta dito?
PIRENA:Pinasundo kayo ng aking panganay pagkat may nakapagtatakang...hindi pala tawagin natin itong kaganapan na hindi kapanipaniwala.
BONG:Anong ibig niyong sabihin?
MIRA:Maari mo nang ikwento sa iyong mga magulang Vanessa.
VANESSA:Kaninang hapon pagkatapos namin mag-mall may nakaharap kaming nilalang na nakakatakot ang itsura at may kasamang mga kawal habang nakipaglaban ang aking mga kaibigan ay nagtago lang ako sa tabi upang hindi ako makita ng mga kalaban ngunit natuntun ako ng nilalang at binihag niya ako pero buti nalang na na dumating si Adam at Alana upang ako'y iligtas susugurin pa sana niya ako pero..may lumabas ng kapangyarihan ng apoy sa aking mga palad.
HAYDIE:Teka..anak hindi naman sa hindi kami naniniwala sa iyo ng Tatay mo pero sa TV lang dapat mangyari iyon hindi ba?
VANESSA:Alam ko po na parang imposible sa inyo ngunit yan po talaga ang nangyari.
ANGELO:Mabuti pong ipakita ko nalang sa inyo,aking balintataw inuutusan kitang ipakita ang kaganapan nang nakikipaglaban kami kay berto at mga kawal niyebe!
Agad naman itong sinunod ng kapangyarihan ni kuya Angelo at may enerhiyang lumalabas sa kanyang mga palad at pinakita ang mga kaganapan kanina.
BONG:Sige naniniwala na kami sa inyo ngunit bakit kayo may kapangyarihan?
AMIHAN:Pagkat kami ay mga diwata ang ilan sa amin ay tagapangalaga ng mga brilyante ng kalikasan mauunawaan din ninyo ang lahat ng ito sa tamang panahon.
ALENA:Tama si Amihan ngunit matanong ko lang sa inyo noong maliit pa si Vanessa may napansin ba kayong kakaiba sa kanya?
HAYDIE:Sa totoo lang noong maliit pa ang anak namin ay lapitin siya ng mga hayop at para bang may kakayahan siyang utusan ang mga ito kapag nagagalit siya may apoy na mabubuo sa kanyang mga kamay.
DANAYA:Sa inyong dalawa kanino ba namana ng inyong anak ang ganong kapangyarihan?
BONG:Mga ordinaryong tao lang kami wala sa amin ang merong kapangyarihan.
VANESSA:Anong pong ibig niyong sabihin Tay?
Sabi ko na may namumuong luha na sa aking mga mata dahil bigla akong nagkaroon ng idea na hindi nila ako tunay na anak.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?