SA DASMARIÑAS
ADAMUS' PROVERBS
Andito kami sa labas ng silid kung saan inihanda ang bangkay nila Tito at Tita napagpasyahan ni Ate Mids na bumili ng pagkain pagkat hindi sila nakakain ng maayos kanina dahil sa mga kalabang sumalakay.
ADAMUS:Ayos lang ba?
VANESSA:Magiging okay din ako Adam.
ADAMUS:Kung may nais kang sabihin andito lang ako upang makikinig sa iyo.
VANESSA:Bakit ba sa lahat ng tao sila Nanay at Tatay pa ang kailangan mawala?samantalang ang mga masasamang tao ay nanatili pa ring buhay.
ADAMUS:Naiintindihan ko ang nararamdaman mo kung ako ang nasa sitwasyon mo ngayon siguro masasabi ko rin ang mga katagang iyan,alam ko na mahirap tanggapin ngunit tandaan mo na andito lang kami para sa iyo.
VANESSA:Salamat sa pagpapagaan mo sa aking loob Adam batid ko na malalampasan ko ang pagsubok na ito pagkat alam ko na andiyan kayo.
ADAMUS:Oo naman...
Ilang sandali lang ay dumating na si Ate Mids na may dala-dalang pagkain.
ATE MIDS:Heto na ang pagkain Vanessa o alam kong gutom ka diyan(Sabay abot niya ng supot at kinuha naman ito agad ni Vanessa)
VANESSA:Salamat Ate ha..
MIDS:Wala iyon
Ilang sandali lang ay dumating na sina Tita Keva at Tito Otis.
VANESSA:Ina,Ama!(Sabi niya habang papalapit sa kanyang mga magulang at inakap agad siya ng mga ito)
KEVA:Ayos ka lang ba anak?
VANESSA:Maging maayos din ako Ina.
OTIS:Huwag kang mag-alala malalampasan din natin ito at titiyakin natin na magbabayad ng mahal ang gumawa nito.
VANESSA:Salamat po Ama
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay linipat na ang katawan nila Tita sa chapel ilang lang sandali lang ay dumating na sila Yna kasama ang aking mga ibang pinsan na si Alana,Dasha,at aking hadia na si Cassandra at ibang mga kaibigan.
Habang ina-arrange ang burol ay napapansin ko na hinihintay ng mga nakakatanda na lumabas ang mga trabahante bago sila mag-uusap kung ano ang susunod na gagawin samantalang kami ay nasa isang area lang nag-uusap.
CASSANDRA:Paano ba natunton nila Lucio ang bahay niyo?
ALANA:Cassandra nakalimutan mo na ba na may kakayahan si Ether na makita pagkat isa siyang bathaluman.
CASSANDRA:Alam ko nga na may may kakayahan si Ether makakita,di kaya si Ether ang nag-utos nila Lucio na sugurin kayo.
VANESSA:Maari din hindi pagkat si Lucio ay isang Hari na ayaw magpasakop ni kahit sino kahit isa pa itong Bahlaluman.
ADAMUS:Oo nga naman pagkat maaring gumawa siya ng
sariling plano.JUNO:Malakas ang kutob ko na inihanda na niya ang kanyang sarili pagkat batid niya na pagbayarin natin siya.
DASHA:Maari din ganon at maari ding hindi.
ALANA:Tama ka Dasha pero titiyakin niya talaga na lamang siya ng dalawang hakbang.
EMMANUEL:Malamang iyon nga ang gagawin niya.
SAMANTALA..
GENERAL'S PROVERBS
Ng makalabas na ang mga trabahante sa chapel ay nilagyan na ng pananggalang ni Alena ang silid nang saganon ang walang makarinig sa kanilang pag-uusapan.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?