SA AVILA
GENERAL'S PROVERBS
Isang linggo na ang nakalipas simula ng magtiwala ang si Daragit kay Tuka isinali na rin siya sa mga pagpupulong nagsimula na ring magtiwala si Pagaspas sa Ravena ngunit masama pa rin ang kutob nila Anya at Almiro sa kanya katatapos lang nilang magpulong tungkol sa siguridad sa Avila lalabas na sana si Tuka sa silid ng nilapitan siya ni Anya.
ANYA:Wala ka bang mga ibang binabalak Ravena?
TUKA:Bakit mo naman iyan natanong?
ANYA:Naninigurado lang, mauna na ako sa iyo(Saka naglakad palayo)
MALACAÑANG PALACE
Kasalukuyang pinaglamayan nila Lucio si Marcelo kahit ganon pa man itutuloy pa rin nila Ether ang kanilang plano na sugurin ang mga diwata pagkat nalansi sila ng mga ito at konti nalang ang natira sa kanilang hukbo.
AGATHA:Magbabayad ang mga diwata ng Mahal sa kanilang panlalansi sa atin!
LUCIO:Tama ka doon Hara,oras na siguro na manghingi tayo ng tulong kay Bathalumang Ravana!
ETHER:Nahihibang ka na ba Lucio?!wala ngang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba tayo ng buhay kung magtungo tayo sa pinakailalim ng bahagi ng impyerno kung saan siya nakakulong!
ANDORA:Tama ang Bathaluman,baka papaslangin niya tayo batid naman natin na walang kinikilala iyon kaya kinatatakutan siya ng kahit sinong nilalang!
AGATHA:Bathalumang Ravana? ngayon ko lang narinig ang pangalan ng Bathaluman na iyon.
ETHER:Si Ravana ay isa sa mga pinakamalakas na Bathaluman sa Encantadia kung tutuusin ay siya ang pinakamalakas na Bathala sa kadahilanang nais niya angkinin ang Devas,Balaak,at Buong Encantadia kaya nagtulong-tulong kami nila Emre upang makulong siya sa pinakailalim na bahagi ng impyerno saka isinumpa na walang makakakilala sa kanya at hindi na makakalaya kahit kailan.
AGATHA:Kung ganon ay malaking tulong siya sa ating hanay kung gagawin natin siyang kakampi!
LUCIO:Ang ibig sabihin ba niyan ng sumangayon ka sa akin Hara?
AGATHA:Oo naman!
ANDORA:Kung ganon ay sinong magpapalaya sa kanya? Batid naman natin na hawak ng mag-asawang Emre at Cassiopea ang balaak at nasa kanila na ang susi doon.
BERTO:Hindi ba kayo natatakot mamatay?
LUCIO:Wala naman kaming dapat ikatakot.
THIRD PERSON'S PROVERBS
Malapit na rin ang inaasam-asam kong kalayaan sa loob ng ilang libong taong pagkakakulong sige lang patuloy niyo ang ginawa niyo kapag nakalaya na ako titiyakin ko na walang araw na hindi maghihirap ang mga Encantadong pinakamamahal ni Emre HAHAHA!😈😈.
SA ENCANTADIA
GENERAL'S PROVERBS
Sa isang iglap lang ay nakarating na rin ang mga Rehav at Diwani sa Encantadia sa pagtading nila ay may mga kawal na suot ay kulay puti na kalasag na sumalubong sa kanila bumati ang mga ito saka bumati naman sila pabalik at pinakilala nila ang kanilang mga sarili sa isa't-isa
IRAH:Paligayang pagbabalik sa Encantadia mga Diwani at Rehav.
ANGELO:Avisala eshma Mashna Irah!
IRAH:Siya nga pala handa na ang sasakyang panghimpapawid na gagamitin para makarating sa Nathaniel.
MIRA:Avisala eshma sa paghahanda ng lahat ng ito Mashna!
IRAH:Walang anuman Mahal na Sanggre
Saka sumakay na sila sa sasakyang panghimpapawid naging tahimik naman ang paglalakbay ilang sandali lang ay dumating na sila sa bagong kaharian.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?