PAGBASAK NG AVILA

169 6 0
                                    

MALACAÑANG PALACE

AGATHA PROVERBS

Ngayon na nakabalik na kami sa palasyo palasyo nagtungo agad kami sa bulwagan upang sabihin ang plano sa aking mga bagong alagad.

AGATHA:Ngayon ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa unang utos ko sa inyo,ang unang pangkat ay magtutungo sa avila kasama ako at si Bathalumang Ether ang pangalawang pangkat naman ay hanapin ang lugar kung saan itinago ng mga diwata ang mga mortal kasama ni Lucio at Andora!

MGA KAWAL:Masususunod Hara!

At nag simula ng lumipad ang mga kawal na nasa aming pangkat habang ako at ang Bathaluman ay gumagamit ng sasakyang panghimpapawid upang makarating sa Avila.

LUCIO'S PROVERBS

Nakalabas na kami sa palasyo upang maging mas madali ang aming paghahanap sa kuta ng mga diwata ay naisipan kong subukan ang septreng ibinigay ni Ravana

LUCIO:Mahiwagang septre ng makapangyarihang Bathaluman ituro mo sa amin ang kung saan itinago ng mga diwata ang mga mortal!

Lumiwanag ito at may ipinakita na parang siyudad at ito ay malapit lang pala sa establisyementong itinayo nila.

LUCIO:Humanda kayo ngayon mga diwata!

Saka nagsimula na kaming magmartsa patungo doon.

SA ENCANTADIA

GENERAL'S PROVERBS

KAHARIAN NG LIREO

Nang dumating si Avilan sa Lireo ay naabutan niya si Minea na nakaupo sa kanyang trono pagkatapos niyang bumati at nagbibigay pugay ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa Hara.

AVILAN:Naparito ako kamahalan upang ihatid ang mensahe na nanggaling sa aking panginoon.

MINEA:Maari bang malaman kung ano ang mensaheng pinadala ni Amihan?

AVILAN:Nakahanap ng panibagong lugar sil Hara Alena na paglilipatan  ng mga mamamayan kung sakaling matunton ang bagong siyudad ng mga kalaban katulad ng dati ay kailangan ng mga sasakyang panghimpapawid at mga kawal kung sakaling may labanan na magaganap.

MINEA:Tatawagin ko ang mga Mashna ngayon din at avisala eshma sa balita.

AVILAN:Walang anuman iyon Hara! at babalik na po ako sa aking panginoon.

MINEA:Sige Avilan

Saka nag-ivictus ang gabay diwa.

KAHARIAN NG HATHORIA

Kasalukuyang nagsasanay si Deshna ngayon kasama ang ilang mga kawal nang maramdaman niya na may mag-ivictus sa kanyang bandang likuran.

ALIPATO:Avisala Diwani Deshna.

DESHNA:Avisala Alipato anong sadya mo dito? (Tanong niya na nakangiti)

ALIPATO:Naparito ako dahil may pinadalang mensahe si Hara Pirena.

DESHNA:Kaya ka pala naparito maaari bang malaman kung ano iyon?

ALIPATO:Oo,diwani kakailanganin nila ng sasakyang panghimpapawid at mga kawal sa kanilang paglikas kung sakaling mahahanap ng mga kalaban ang Bagong Siyudad.

DESHNA:Sige Alipato tatawagin ko ang aking Mashna para makapaghanda sila.

ALIPATO:Mainam kung ganon ay mauna na ako sa iyo Kamahalan.

DESHNA:Sige Alipato mag-iingat ka sa iyong paglalakbay.

KAHARIAN NG ADAMYA

Nasa silid tanggapan ngayon ang kinikilalang Rehav na si Khalil pagkat may mga kalatas itong lalagdaan at nakita niya si Agua na lumitaw sa kanyang harapan.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon