SA KASALUKUYAN
GENERAL'S PROVERBS
KINAGABIHAN
SA TAHANAN NI TUKA
Habang nasa balkonahe si Tuka saka may isang kakaibang pashneang lumapit sa kanya na may dalang bote na ang laman ay lilang likido mula sa bibig nito at agad naman itong tinanggap ni Tuka.
TUKA:Salamat sa iyo kaibigan pakisabi lang kay, Ravana salamat.
Saka lumipad na palayo ang pashnea.
TUKA:Sa wakas may sapat na akong kapangyarihan upang madaig ang mga diwata wahaha..😈😈
RAVENA:Ano ng plano natin ngayon Mahal na Reyna?
TUKA:Ipatawag mo ang ating hukbo sa Ravena sapagkat susugurin natin ang mga diwata bukas ng gabi.
RAVENA:Masusunod Kamahalan
Saka lumipad na ito palayo patungo sa Halconia at binuksan na agad ni Tuka ang Boteng may laman at ininum ito at nakaramdam siya ng kakaibang lakas at kapangyarihan sa kanyang katawan.
SA AVILA
ANGELO'S PROVERBS
Dito na kami nanatili sa mundo ng mga tao sapagkat may misyon kaming gagawin bukas andito kami ngayon sa ni Paopao Kaharian ng mga Mulawin sapagkat kailangan namin ang kanilang tulong sapagkat nakikita ko na hindi lang ang mga sindikato ang haharapin namin pati rin ang mga taksil na Ravena.
Pagdating namin sa pugad ng mga Mulawin ay nadatnan namin si Pagaspas na kinausap ang ilang mga Kawal Mulawin.
PAGASPAS:Paopao Angelo ano't napadalaw kayo?Mahabang panahon din nung huli kayong dumalaw dito.
ANGELO:Oo nga mahabang panahon din iyon,naparito kami sapagkat kailangan namin ang inyong tulong.
PAGASPAS:Sige kaibigan,pasok muna tayo sa loob.
Nang pumasok kami sa loob palasyo doon na kami pinagantay sa bulwagan habang si Pagaspas naman ang nagtungo sa silid tanggapan upang puntahan si Almiro at Anya pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na ang Hari at Reyna ng mga Mulawin sa bulwagan.
ALMIRO:Avisala Angelo at Paopao narinig namin mula kay Pagaspas na kailangan niyo ng aming tulong.
PAOPAO:Oo Rama sapagkat nakikita ni Angelo na may plano ang mga taksil na Ravena na gumawa ng kaguluhan bukas ng gabi.
ANYA:Mabuti pang doon nalang natin iyan pag-usapan sa loob ng silid pulungan.
SA SILID PULUNGAN..
ALMIRO:Bilang Hari ng Avila ay binuksan ko na ang pagpupulong na ito,sinabi niyo kanina na gagawa ng kaguluhan si Tuka bukas ng gabi?
ANGELO:Oo Rama iyan ang aking nakikita sa aking mga mata,batid na rin ninyo na nagbalik na si Tuka at nagpanggap siya bilang karaniwang tao saka sangkot siya sa isang sindikato na siyang pina-imbestigahan namin di ba?
ANYA:Oo alam na namin ang mga bagay na iyon at siya rin ang nagplano upang ipadukot sila Angelo at Mira habang nasa ibang bansa.
PAOPAO:Bukas ng gabi ay makipagtulungan kami sa mga pulis na tugisin ang mga miyembro ng sindikato ni Tuka,bukod pa diyan ay haharapin namin ang mga taksil na Ravena.
ALMIRO:Kung ganon ay kailangan naming magtungo sa lugar niyo ngayon nang saganon ay mapaghandaan natin ang pagsugod nila Tuka bukas na gabi.
ANGELO:Ang ibig sabihin ba niyan ay tutulungan niyo kami?
ALMIRO:Oo naman.
ANGELO:Mainam kung ganon,pagkatapos ng pagpupulong na ito ay magtutungo akong Devas upang may karagdagang kawal tayo.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?