KABANATA XXXVII:BANTA NI CASSIOPEA

283 6 1
                                    

SA AVILA

MIRA'S PROVERBS

Andito kami ngayon sa Avila upang ibalita ang tungkol kay Andora at ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga bagong sandata at baluti na kinuha nila Ama galing Hathoria.

DARAGIT:Avisala mga Diwani,Rehav,at Paopao batid kong may nais kayong importanteng sasabihin,nais niyo ba na ipatawag ko ang mga miyembro ng konseho para mapag-pulungan natin ito?

LIRA:Avisala eshma Rama,ngunit hindi na kailangan at hindi rin kami magtatagal dito.

DARAGIT:Kung iyan ang iyong nais,kung ganon man ay magtungo na tayo sa loob para makapag-usap ng maayos.

Kaya nagtungo na kami sa loob at dumeretso sa silid pulungan.

DARAGIT:Bilang Hari ng Avila ay binubuksan ko na ang pagpupulong na ito,ano ba ang nais niyong ibalita sa amin?

MIRA:Nais naming sabihin na nagpakita nila Ama si Andora sa tapat ng gusali namin at nandirito na nga ang panig nila Ether ngunit sa kabila ng medyo di kanais-nais na balita ay mayroon kaming mabuting balita.

DARAGIT:Kagaya ng inaasahan natin na magtutungo ang panig nila Ether dito, at ano naman ang mabuting balita.

ANGELO:Nagtungo sila Rama Azulan ng Hathoria upang kunin ang mga bagong armas na magamit natin sa posibleng digmaan natitiyak ko na sa oras na makarating sila dito na ibibigay agad nila ang mga ito

DARAGIT:Mabuti naman di na nga natin mapipigilan ang tadhana.

PAOPAO:Manalig lang tayo Rama, siya nga pala kumusta na ang mga Kawal Mulawin na sinasanay namin dati?

DARAGIT:Mas lalo silang gumagaling sa katunayan nga ay sila na ang nagtuturo sa mga baguhan.

LIRA:Mabuti naman kung ganon Rama at natitiyak ko na magiging kasing-galing sila nila Almiro sa pakikipaglaban.

DARAGIT:Sana nga Mahal na Sangre.

MIRA:Alam kong mangyayari iyan.

DARAGIT:Salamat Diwani Mira.

MIRA:Walang anuman Rama, at heto lang ang aming ipinunta namin dito Rama avisala eshma sa iyong pagtanggap sa amin dito kaya mauna na kami.

DARAGIT:Avisala eshma din sa inyong balita

Tumango naman kami bilang pag-sangayon saka nag-ivictus pabalik sa office upang kunin ang aming mga kotse.

FAST FORWARD

Nang makabalik na kami sa bahay ay naroon na sila lahat sa hapag kumakain ng hapunan binati namin sila at bumati namin sila pabalik.

ALANA:Kumusta po ang inyong paglalakbay mga Edea at Adto?

MIRA:Maayos naman at alam na ng mga Mulawin ang tungkol sa pagpapakita ni Andora at sa mga bagong sandata.

ADAMUS:Mabuti naman po kung ganon ng maging handa din sila sa mga posibleng maganap.

LIRA:Oo nga eh,sa katunayan nga ang mga Kawal Mulawin na tinuruan nila Itay dati ay nagtuturo sa mga baguhan ngayon.

DASHA:Mabuti naman po kung ganon, speaking of mga posibleng mangyari alam niyo po ba na may naka-engkwentro sila Ama sa plaza kanina.

ANGELO:Ano?!paano nangyari iyon?

AZULAN:May mga lalaki lang naman na gustong kunin ang aming mga kagamitan,at ng hawak ko na sa leeg ang isa sa kanila na tinanong ko kung may nag-utos ba sa kanila ang tanging sagot niya ay hindi niya ito sasabihin.

ANGELO:Malakas ang kutob ko na sila Ether ang nag-utos sa kanila pagkat wala naman tayong ibang mga kalaban.

CASSANDRA:Tama ka doon Kuya,hindi natin alam na baka may mga tauhan na sila dito na posibleng tauhan din ng David na iyon.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon