ANG TANGKANG PANANAKOP II

641 12 1
                                    

DANAYA'S PROVERBS

Pagdating ko nang Sapiro nakita ko si Amihan at Ybrahim na nakipaglaban sa labas nang paligid nang kaharian pagkat hindi makapasok ang mga vedalje sa pananggalang na inilagay naming magkakapatid at napalibutan na rin sila nang mga kaaway.

AMIHAN:Tamang -tama ang iyong pagdating kapatid ko!(natutuwa niyang sambit)

DANAYA:Siyang tunay,ano pang ating hinihintay paglibangan na natin sila.

YBRAHIM:Mabuti pa,kaya estasectu!

Gamit nang aming mga sandata ay natalo namin ang karamihan sa mga ito upang mapadali ang aming laban gumawa ako nang lindol at ipinalamon sa lupa ang mga ibang natira at nagpakawala naman nang napakalakas na kapangyarihan ang aking kapatid kaya unti-unti silang nauubos.Napaslang naman ni Ybrahim ang lahat nang natirang mga kawal ngunit may narinig kami pamilyar na boses.

ANDORA:Hindi pa rin kayo kumukupas mga Sang'gre napakataas pa rin nang tingin niyo sa inyong mga sarili!

Paglingon namin ang Pashneang Andora lang pala ang nagbalik...

DANAYA:Avisala!, Andora tama ka hindi parin kami kumukupas at hanggang ngayon ay isa pa rin kayong talunan!(Pang-iinis ko sa kanya)

CRISELDA:Paano kayo nakakasiguro na kami ay talunan may basehan ba kayo?!

AMIHAN:Hindi mo ba nakikita?kahit halatang-halata na?

ANDORA:Kung hinahamon niyo kami,simulan na natin maglalaban tayo na wala kapangyarihan!

DANAYA:Iyon lang pala...

AMIHAN:Kaya malugod namin itong tatanggapin

YBRAHIM:Paalala sa lahat nang Mashna at mga kawal walang makialam kahit isa sa Atin!

Ang unang nagharap ay ako at si Andora kagaya pa rin nang dati ay nagtagisan kami nang galing sa pakikipaglaban ngunit ako ay kanyang nasugatan sa aking hita

DANAYA:Pashnea!(Inis kong sabi)

ANDORA:Ano na ngayon,Hara Durye?!

DANAYA:Huwag ka munang magdiwang warka pagkat hindi pa tapos ang ating laban!

Sa pagtayo ko agad akong umatake kaya wala na siyang panahon para dumepensa at aking nasugatan sa kanyang tagiliran hindi pa nga siya nakatayo siyay aking sinipa na napakalakas kaya nawalan ito nang malay at pinagaling ko ang aking sugat.

CRISELDA:Tanakreshna!

AMIHAN:Ano suko na kayo?!

CRISELDA:Akala mo ay mapapasuko mo ako sa pamamagitan nang kapanalig na nawalan nang malay?!

AMIHAN:Kung ganon ay tapusin na natin ito!

Sa kanilang paghaharap nasugatan agad ni Amihan si Criselda sa kanyang tiyan..

CRISELDA:Wenuveshka!

AMIHAN:Nanghihina ka na ata,suko kana?

CRISELDA:Sa tingin mo mapapasuko ako nang isang kagaya mo?!

Aatikihin na sana niya ang aking kapatid gamit ang kanyang espada ngunit agad nakaiwas si Amihan at sinaksak niya si Criselda sa bandang tagiliriran na hindi man lang nakaganti kaya ito'y lalong nagalit.

CRISLEDA:Pashnea!Nanalo man kayo ngayon ngunit matatalo namin kayo sa susunod nating paghaharap!

YBRAHIM:Tingnan lang natin!

Umalis na rin ang mga pashnea bitbit ang Andorang walang malay..

ALENA'S PROVERBS

Nakarating na ako sa Hathoria tama-tama marami pa rin ang mga Vedalje kaya nagpakawala ako nang aking kapangyarihan kaya napaslang ang ilan sa mga ito nakita ako agad ni Pirena sa hindi kalayuan at nag-ivictus siya upang makalapit sa akin..

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon