PAGSASAMANTALA NG PAGKAKATAON

193 6 1
                                    

SA BATANGAS

AGATHA'S PROVERBS

Pagkatapos ng mahabang biyahe ay sa wakas nandito na rin kami sa lugar na sinabi ng mga diwata na kung saan nila tinago ang mga mortal ng walang inaaksayang oras ay inumpisahan na naming libutin ang buong lugar na iyon gamit aming sasakyang panghimpapawid hinati namin ang aming grupo sa apat nang saganon ay mas madali ang aming paghahanap.

AGATHA:Tandaan niyo wala tayong palalagpasin na barrio kailangan bawat sulok ng lugar na ito ay kailangan mapuntahan natin!

MGA KAWAL NIYEBE:Masusunod Hara!

Sa ilang minuto naming paglilibot ay wala pa rin kaming nakikitang siyudad ngunit hindi kami titigil hangga't wala kaming nahahanap.

MALACAÑANG PALACE

PIRENA'S PROVERBS

Nakarating na rin kami sa palasyo ng mga kalaban kagaya ng pinag-usapan ay ako ang unang pumasok bilang Agatha plinano namin iyon upang kunin ang atensyon ng mga kawal habang si Cassiopea naman ay sinisira  ang pananggalang sa labas sa pagpasok ko ay nadatnan ko si Marcelo.

MARCELO:Mahal na Hara akala ko ba kasama mo sina Ether sa Batangas.

PIRENA:Oo sumama ako ngunit hindi maganda ang aking pakiramdam kaya bumalik ako dito.

MARCELO:Paano ka ba nakabalik,batid mo ba ang daan?

PIRENA:Bakit napakarami mong tanong?!sa tingin mo ba na hindi ko malalaman ang daan?! (Singhal ko sa kanya bilang si Agatha)

MARCELO:Patawad Hara, di na ako magtatanong ulit.

PIRENA:Mabuti naman kung ganon siya nga pala si Berto?

BERTO:Andito ako, bakit mo naman ako hinahanap?

PIRENA:Mga kawal lisanin niyo muna ang silid na ito, pati na rin ikaw Mashna!

MARCELO AT MGA KAWAL:Masusunod Hara!

Saka naglakad na sila palayo.

PIRENA:Ngayon Berto wala bang binabalak na bago ang inyong Reyna?

BERTO:Ano naman ang kasiguraduhan na ikaw si Pirena?

PIRENA:Tanakreshna! kami ni Danaya ang lumapit sa iyo isa linggo na ang nakalipas para maging espiya ka namin!

BERTO:Huwag kang magalit Mahal na Hara ng Hathoria alam mo naman na naniniguro lang ako,sa ngayon wala pa naman silang panibagong plano ang alam ko na pumunta silang Batangas.

PIRENA:Sigurado ka na walang panibagong plano ang inyong Reyna?alam mo naman kung anong mangyayari sa iyo kung magsisinungaling ka sa amin.

BERTO:Oo naman, alam mo na naman na wala akong laban sa inyo di ba?

PIRENA:Mabuti naman na nagkakasundo tayo.(Saka naglakad patungo sa trono)

Nung araw na binigyan namin ng pagkakataong makapagdesisyon si Berto kinagabihan ay nagtungo agad siya sa aming tahanan upang sabihin sa amin na papayag na siya na maging espiya na ang kapalit ay ang kanyang kaligtasan.

SA LABAS NG PALASYO

CASSIOPEA'S PROVERBS

Kasalukuyang naglalagay ako ng enkantasyon upang masira ang pananggalang nang saganon ay makagamit kami ng ivictus papasok at palabas ng palasyo.

CASSIOPEA:Gamit ang kapangyarihang ipinagkaloob sa akin bilang Bathaluman hinihiling ko na masira itong pananggalang na nakapalibot sa gusaling ito na walang maiiwan na bakas na ito'y nasira na!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon