VANESSA'S PROVERBS
Magdidinner sana kami kasama sina Adam at sina Ate Lira ngunit may pumunta na isa sa mga kawal ni Ama sa aming tahanan na nagsabi na nilusob daw ng mga alagad ni Lucio ang aming kaharian kaya dali-daling kinuha ni Ama ang mahiwagag susi ng lagusan upang makabalik kami ng Elementia saka tinawagan ko naman si Adam para mag cancel ng dinner ano ba iyan.
Habang si Yna naman ay nagpadala ng mensahe nila Tito Tarique wala pang isang minuto ay nandirito na ang lahat saka nagtungo na kami sa mahiwagang lagusan at dumeretso na sa aming kaharian.
ELEMENTIA KAHARIAN NG LAHAR
Pagdating namin sa Lahar ay naabutan namin ang aming mga kawal na nakipaglaban sa mga alagad ni Lucio ang ilan sa kanila ay sugatan na walang pagdadalawang isip ay nagpakawala na kami ng kapangyarihan upang mapaslang ang karamihan sa mga alagad ni Lucio gumamit ako ng kapangyarihang apoy at inutusan ko ang mga mababangis na dragon dito sa aming kaharian upang labanan ang mga alagad ni Lucio,si Juno ay inutusan niya ang isip ng mga kalaban na labanan ng isa't-isa at ginagamit niya ang kanyang kapangyarihang tubig,si Eman ay gumawa siya ng lindol upang ipakain ang mga kalaban sa lupa at ginamit niya ang kanyang kakaibang lakas at liksi,si Argo ay naging isang dragon ng hangin at ginawang yelo ang mga kalaban ng dahil diyan ay nagtagumpay kami sa labanan.
Dahil din sa labanan nagkaroon ng malaking sira ang aming kaharian kaya inayos namin ito gamit ang aming mga kapangyarihan pagkatapos ng labanan ay dumeretso sila Yna sa silid pulungan habang ako at ang aking mga pinsan ay nandito sa hardin.
VANESSA:Nakapagtataka ano,paano kaya nakalusot ang mga kalaban dito na dinoble nila Ina ay mga bantay dito at isa pa paano,nasira ang pananggalang na may basbas iyon ng ating Bathala?
JUNO:Malamang kagagawan naman ito sa bagong kalaban natin na si Ravana makapangyarihan iyon di ba, sabi nga nila Alana na mas makapangyarihan pa daw iyon kaysa kanilang mga Bathala.
ARGO:Ang dami na ngang problema natin may dumagdag pa at sigurado ako na sasakupin din nila Lucio ang mundo natin ang malala pa ay baka madamay pa ang mundo ng mga tao.
EMMANUEL:Sinabi mo pa ngunit huwag naman sanang madamay ang mga tao sa ating gulo dahil walang kalaban-laban ang mga iyon.
Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na sila Ina sa silid pulungan ano kaya ang pinag-usapan nila nag-paalam na kami sa isa't-isa at bumalik na kami sa aming mga kaharian.
JUNO'S PROVERBS
Ang daming nangyayari ngayong araw una inanunsyo ni Ate Mira na wala na sila Tito at Tita pangalawa nag-alala kami para sa negosyo namin dahil nakapasok na si Tuka grrr.. nakakainis naman at pangatlo heto napasabak kami sa labanan mabuti nalang na Sabado bukas wala kaming pasok sa office.
Gusto ko sanang ayain si Alana lumabas bukas pero di puwede pupuntahan ko nalang sa Nathaniel bukas sa ngayon ay magpapahinga muna ako dahil nakakapagod ang araw na ito.
ENCANTADIA KAHARIAN NG SAPIRO
LUCIO'S PROVERBS
Ngayon na nagpapadala na ako ng mga alagad sa Kaharian nila Otis natitiyak ko na kinakabahan na sila sapagkat ang pagpapadala ko ng mga alagad ay iyan ay nagsisilbing banta na sasakupin ko ang buong kaharian ng Elementia at isasali ko na rin ang mundo ng mga tao WAHAHA!😈😈
PUNONG KAWAL:Panginoon marami pong napaslang sa ating hanay doon sa kabilang mundo!
LUCIO:Ayos lang,hindi nila kailangang magtumpay sapagkat isang banta lang ang aking pinadala.makakaalis ka na.
PUNONG KAWAL:Masusunod Panginoon.
(Saka naglakad palayo)
ADAMUS'PROVERBS
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?