KUTOB

162 1 0
                                    

SA MUNDO NG ENCANTADIA

GENERAL'S PROVERBS

Nabawi nga ng mga diwata ang Lireo, Sapiro, at Adamya ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may nilagay na maliliit na si Ravana upang maging espiya nang saganon ay malalaman ng mga kalaman kung ano ang kanilang mga hakbang kasalukuyang nasa kaharian na bumagsak na Etheria sila Ether ngunit gamit ang kapangyarihan ng Bathaluman at naitayo ito ulit katulad sa Nathaniel ay nilagyan nila ito ng enkantasyon upang hindi makikita ng mga kalaban ang kaibahan lang ay hindi rin ito makikita ng kahit sinong nilalang ng Encantadia.

KAHARIAN NG LIREO

LIRA'S PROVERBS

Andito ako ngayon sa balkonahe ng Lireo tinitingnan ang ganda ng buong Encantadia at lumanghap ng sariwang hangin kasalukuyan kong pinipikit ang aking mga mata habang inaalala ang aking mga magulang dalawang buwan na ang nakalipas ng mawala sila dito sa Encantadia at nasasabik pa rin ako sa kanila.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay may naramdaman akong nag-ivictus sa aking bandang likuran at paglingon ko ay si Cassiopea pala matagal na panahon na rin ang lumipas ng huli siyang bumisita dito.

CASSIOPEA:Avisala,Hara Lira.

LIRA:Avisala Cassiopea,ano't napadalaw ka? kumusta na ang aming mga kadugo sa Devas?

CASSIOPEA:Wala sila sa Devas Hara.

LIRA:W-wala,anong ibig mong sabihin,hindi pa sila patay?

CASSIOPEA:Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin Hara,naparito pala ako upang magbigay babala sa inyo sa aking nakikita ay wala man sa inyong paningin ang mga kalaban ngunit dadating ang panahon na babalutin ng kadiliman ang Encantadia.

LIRA:Anong ibig mong sabihin na sasakupin ulit ng mga kalaban ang buong Encantadia?

CASSIOPEA:Hindi nila ito sasakupin kundi sisirain nila ito.

LIRA:Batid mo ba kung kailan ito mangyayari nang saganon ay maging handa kami?

CASSIOPEA:Mangyayari lamang ito kapag malakas na ulit ang pwersa ng mga kalaban batid ko na nakipagkasundo na si Ether sa inyo ngunit hindi sila totoong nakipagkasundo sa inyo may iba sila binabalak.

LIRA:Tama nga ang kutob ko na parang may mali,kung ganon ay magiging handa.

CASSIOPEA:Ngunit huwag kang mag-alala sapagkat may babalik sa tamang panahon.

LIRA:Sinong magbabalik sila Yna?

CASSIOPEA:Malalaman niyo rin iyon sa tamang panahon,iyon lamang ang ipinunta ko dito kaya mauna na ako.

LIRA:Sige Cassiopea at avisala eshma sa babala saka mag-ingat ka.

Tumango lamang si Cassiopea saka nag-ivictus pabalik ng Devas, hay panibagong pagsubok na naman mahal na Emre gabayan niyo po kung ano ang gagawin.

PAOPAO'S PROVERBS

Nasa azotea ako ngayon kasama si Cassandra na nag-ensayo kasama ang aming mga kawal sapagkat sinasanay namin sila dahil kailangan lang namin maging handa pagdating ng panahon.

PAOPAO:Magaling mga kawal,maari na kayong magpahinga.

CASSANDRA:Ama este.. Tito..

PAOPAO:Ayos lang na tatawagin mo akong Ama Cassandra sapagkat anak na ang tingin ko sa iyo sa simula pa lang.

CASSANDRA:Avisala eshma Ama.(Saka niyakap niya ako ay yumakap naman ako pabalik)

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita kong papalapit sa amin si Lira.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon