ENCANTADIA KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Ilang araw ng naghahanap ang mga alagad ni Ravana sa mga diwata ngunit wala pa ring mahanap ang mga ito kaya nag-aapoy sa galit ang Bathaluman at ang pinagbuntunan niya ng galit ay ang kanyang mga alagad.
RAVANA:MGA WALA KAYONG SILBI NA IKOT NIYO NA ANG BUONG ENCANTADIA NGUNIT WALA PA RIN KAYONG MAHANAP?! NAGLOLOKOHAN BA TAYO DITO?!
PUNONG KAWAL:Poltre Bathaluman ngunit hindi talaga namin talaga sila mahanap kahit na hinalughog na namin ang bawat sulok ng Encantadia.
RAVANA:MGA WALA KAYONG SILBI,LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO!
PUNONG KAWAL:Masusunod Bathaluman,enai!(Saka naglakad na sila palayo)
At may naramdaman siyang may nag-ivictus sa kanyang harapan hindi pa man ito lumilitaw ngunit batid na niya kung sino ito.
RAVANA:Anong sadya mo dito Ether?
ETHER:Nais ko lang sabihin sa iyo na halos lahat ng nilalang dito sa Encantadia ay nagbibigay na ng katapatan sa atin maliban nalang sa mga Barbaro,mga Bandido,ang mga Punjabwe,at mga Mandirigma sapagkat kakampi sila ng mga diwata!
RAVANA:Batid ko.(Tipid niyang sagot)
ETHER:Anong plano mo?
RAVANA:Ano sa tingin mo?
ETHER:Sugurin ang kanilang kuta?batid mo naman na hindi mo iyon basta-basta masusugod pagkat nilagyan iyon ng pananggalang ni Emre!
RAVANA:Baka nakalimutan mo na mas makapangyarihan ako kaysa kay Emre? sa katunayan ay wala akong pakialam na hindi magbibigay katapatan ang mga iyan ang importante lang sa akin ay ang makaganti sa mga Diwata.
ETHER:Ang ibig mong sabihin ay susugurin mo ang isa sa mga kutang binanggit ko upang mapalabas ang mga Diwata?
RAVANA:Ganon na nga at uunahin ko ang mga anak ni Minea.
ETHER:Kailangan mo ba ng tulong namin?
RAVANA:Hindi na sapagkat kaya ko na itong mag-isa.
ETHER:Ikaw ang bahala,mauna na ako.
Tumango lang si Ravana bilang pagsang-ayon at nag-ivictus na si Ether pabalik ng Adamya habang si Ravana naman ay pinatawag niya ulit ang kanyang mga alagad sapagkat naisipan niya na doon sumugot sa kuta ng mga Mandirigma.
SA KUTA NG MGA MANDIRIGMA
Masayang kumain ang mga mandirigma lingid sa kanilang kaalaman na may mangyayaring hindi maganda sa kanila pagkalipas ng ilang sandali ay biglang sumulpot si Ravana kasama ang kanyang mga alagad sa kanilang kuta ngunit hindi sila basta-basta makakapasok sapagkat may pananggalang ang kuta ngunit pinilit pa rin itong sinira ni Ravana gamit ang kanyang kapangyarihan hanggang sa nakapasok nga ito sa kabila ng pagkabahala at takot ang mga Mandirigma ay pinilit pa rin nila magmukhang matapang sa harapan nila Ravana.
APITONG:Anong sadya niyo dito?Bakit niyo sinira ang pananggalang?Andito ba kayo upang paslangin kami?
RAVANA:Isa lang ang sadya ko dito,batid ko na alam niyo na nasaan nagtatago ang mga anak ni Minea kaya sabihin niyo na kung hindi niyo nais mapaslang!
APITONG:Hindi ko sila ipagkalulong at hindi ko rin batid kung saan ang mga Sangre!
WANTUK'S PROVERBS
Naglalakad ako sa kagubatan patungo sa aming kuta ngunit may narinig akong ingay kaya sinundan ko ito tama nga ang aking kutob na nanggagaling ito sa aming kuta pagdating ko doon ay nagtago agad ako sa isang sulok sapagkat nakita ko sila Ravana na nagtungo doon.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?