ANGELO'S PROVERBS
Walong araw na ang nakalipas ang bilis talaga na oras noh sa mga araw na iyon ay tinuruan ako ni Mira ng mga bagay-bagay tungkol sa mundo ng mga tao medyo naninibago pa ako ngunit masasanay rin meron na rin akong natutunan na mga ilang salita pantao at madalas kaming lumabas ng encantadia ng aking kaibigan na si Paopao para palitan ng pera ang ginto naming dala ngunit sa nakaraang walong araw marami din ang nagaganap pagkat si Agatha ay nagtangkang sakupin ang Adamya.
FLASHBACK
ANG NAKARAANG WALONG ARAW...
GENERAL's PROVERBS
SA KAHARIAN NG SAPIRO
Nananghalian ngayon si Rama ngayon kasama ang kanyang pamilya na lumapit sa kanya si Mashna mayka at natitiyak niya na may importante itong sabihin..
MASHNA MAYCA:Poltre kung nagambala ko kayo sa iyong pagkain Rama Ybrahim ngunit may nais akong ibalita na napaka-importante.
YBRAHIM:Batid kong importante iyon Mashna.
MASHNA MAYCA:Alam na namin kung saan itinago itinago ni Agatha ang mga nawalang Encantado.
AMIHAN:Saan nga daw at paano niyo nalaman?
MASHNA MAYCA:Sa Lumang Etheria nila itinago ang mga bihag Mahal na Sang'gre may nakapagsabi sa amin na isa sa mga bihag na nakatakas nakita namin siya sa kagubatan malapit dito na nagtatakbo na parang may humahabol sa kanya.
LIRA:Saan na siya ngayon?
MASHNA:Inihatid na namin siya sa kanyang pamilya.
LIRA:Mabuti naman kung ganun.
YBRAHIM:Mabuti pang ipaalam na natin ito sa iba,Mashna mas higpitan niyo ang pagbabantay pagkat may pupuntahan kami.
AMIHAN:Kami nalang magkakapatid ang pupunta doon pagkat kakailanganin kayo dito.Maghahatid kami ng mensahe kung kailanganin namin ng tulong.
YBRAHIM:Kung iyan ang iyong nais Mahal.Basta mag-iingat kayo.(Sabay halik niya sa labi ng kanyang katipan)
LIRA:Mag-iingat kayo doon Nay.(Sabay yakap niya sa Yna yumakap naman ito pabalik)
AMIHAN:Mag-iingat ako anak pangako iyan.
CASSANDRA:Maghihintay kami sa iyong pagbabalik Ila.
AMIHAN:Babalik ako dito pangako iyan.(Hinalikan niya sa noo ng kanyang apo at nag-ivictus patungong Hathoria para puntahan si Pirena)
SA KAHARIAN NG HATHORIA..
Nagbabasa ngayon ng mga kalatas ang Hara at Rama upang lagdaan ang mga ito pagkalipas ng ilang sandali ay natapos na rin sila sa kanilang gawain.Nagtataka si Pirena bakit ang lagkit ng tingin ni Azulan sa kanya habang kumuha ito ng alak at alam niya na may balak na naman ito.
PIRENA:Alam ko ang mga tinginan mong iyan Azulan.
Naglalakad papalapit sa kanya ang kanyang asawa at inakap siya patalikod.
AZULAN:Nasa hardin ngayon ang mga bata mahal at nasa labas ang mga kawal.
PIRENA:Alam ko,ano naman ngayon?
Na walang pagdadalawang isip ay hinalikan niya ang Hara sa pisngi patungo sa leeg at hinarap naman siya ni Pirena at hinalikan sa labi ipinalibot niya ang kanyang kamay sa batok ng kanyang asawa habang si Azulan ay ipinalibot ang kamay sa kanyang bewang hanggang lumalim ang kanilang paghahalikan pagkatapos ay naglakbay ang kamay ng Rama sa Likuran ng Hara hinalikan niya ulit ito sa leeg ngunit sa oras na ito ay sinsipsip na ito ng kanyang asawa napaungol naman si Pirena ng wala oras ng biglang sumulpot si Amihan kaya agad silang napakalas.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasíaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?