SA MUNDO NG MGA TAO
GENERAL'S PROVERBS
Habang naghihintay ang mga magkakapatid na Sanggre kasama ang kanilang mga kabiyak nila Mira't Lira at Paopao ay nag-iisip sila ng ibang paraan upang lagyan nang pananggalang ang lagusan na nilikha ni Ether nang saganon ay hindi na siya makapaminsala sa mundo ng mga tao sinubukan na ito nang mga tagapangalaga nang mga brilyante dati na bumalik sa Encantadia upang lagyan sana ng enkantasyon at pananggalang ang lagusan na ginawa ni Ether ngunit hindi ito nagtagumpay pagkat may kakaibang enerhiya na nakabalot dito humingi na sila ng tulong kay Cassiopea nagawa nga itong sirain ng Bathaluman at siya mismo ang naglagay nang harang at pananggalang dito pero nasira pa rin ito ni Ether.
Flashback
Ang Nakaraang Isang Linggo....
Sa Encantadia Lumang Etheria
ALENA:Ngayon na nandito na tayo ay simulan na natin harangan ang lagusan na ito nang saganon ay hindi na sila makalabas pa ng Encantadia.
AMIHAN:Tama ka doon Hara ngunit may nakabalot na pananggalang at kakaibang enerhiya dito.
PIRENA:Maari naman natin itong subukang sirain kung hindi tayo magtagumpay ay hihingi tayo ng tulong kay Cassiopea.
DANAYA:Sige gamitin muna natin ang ating mga brilyante upang subukan sirain ang pananggalang na ito.
ALENA:Kung saganon ay simulan na natin.
Tumango naman sina Pirena.
PAOPAO:Mga ate may imumungkahi ako.
PIRENA:Ano iyon Paopao?
PAOPAO:Subukan natin buohin ang mga brilyante upang sirain ang pananggalang kung hindi tayo magtagumpay ay saka tayo hihingi nang tulong.
AMIHAN:Magandang plano iyan Paopao.
Kaya binuo nilang lima ang brilyante ng kalikasan at subukang sirain ang pananggalang na bumabalot sa lagusan ngunit hindi ito nasira.
DANAYA:Pashnea anong klaseng kapangyarihan ang bumabalot dito? kahit na ang mga brilyante ay hindi ito kayang sirain.
May naramdaman silang nag-ivictus sa kanilang likuran at may narinig silang isang pamilyar na boses.
CASSIOPEA:Kapag isang Bathaluman mismo ang naglagay ng pananggalang sa isang bagay kahit na gaano kalakas ang kapangyarihan na inyong gagamitin upang ito'y sirain hindi ito masisira.
ALENA:Ngunit may iba pang paraan upang ito'y mawasak di ba?
CASSIOPEA:Oo,ngunit bago ko pa simulang sirain ang pananggalang ay maghanda muna tayo pagkat may mga vedaljeng paparating!
Hindi nga nagkamali si Cassiopea may mga kalaban nga na papalapit at pasugod sa kanila kaya nilabanan nila ang mga ito gamit ang kanilang sandata pagkat marami-rami ang mga kalaban gumamit na sila ng kapangyarihan kaya madali nila itong nadaig pagkatapos ng kanilang pakikipaglaban sinira na ni Bathalumang Cassiopea ang pananggalang na nakabalot sa lagusan.
CASSIOPEA:Sinasamo ko ang aking kapangyarihan na pakinggan ang aking enkantasyon na lagyan sirain kung anumang enerhiya na bumabalot sa lagusan at palitan ito nang pananggalang na hindi masisira nang kahit sino o anong makapangyarihang nilalang o sandata na nasa panig nang kadiliman nang saganon ay hindi na sila makalabas nang Encantadia upang gumawa nang kaguluhan kung magtangka man silang sirian ito ay bawian mo ang buhay!
Nagtagumpay nga ang Bathaluman at mga tagapangala ng brilyante sa kanilang nais.
PIRENA:Avisala eshma sa iyong tulong Bathaluman!
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?