LYNDON'S POV."WAG mong ihihiwalay sa paningin mo ha, Lyndon," tukoy ni Guiller kay Mae.
"Oo naman. Eto talaga,wala kabang tiwala sakin?" nginisian ko sya.
"Talagang wala."
Napasimangot ako sa kawalan habang inaalala ang pag-uusap namin ni Guiller sa MRB (Music Room Building) bago kami magkahiwalay kani-kanina lang.
Kaya't heto nga ako, nakatulala sa katabi kong walang imik na nakikinig sa teacher namin.
Hindi ko na namalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa tumunog ang bell.
Eto talaga ang pinaka-favorite ko sa lahat---recess.
Kaso, hindi ako pwedeng lumabas ngayon at magpa-cute sa girls doon dahil may responsibility nga pala ako dito sa classroom.
Siguro, hindi nanaman lalabas si Mae ng room kagaya kaha---
Natigil ang pag-iisip ko nang bigla syang tumayo.
Kinuha ko agad ang cellphone ko dahil kabilin-bilinan ng lola--este ni Guiller na tawagan ko agad sya pag lumabas si Mae.
(>"Oh?"<) bungad nya. Letse,di man lang nag 'hello'
"Lumabas sya," report ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.
(>"Sige."<) At pinatay nya na nga ang tawag.
Wala man lang 'goodbye'?
.
.
.
.
.GUILLER'S POV.
"SURE ka, Ji?" paninigurado ko sa kanya nang sabihin nyang sya nalang daw ang iisip at gagawa ng ibang paraan.
May tiwala naman kami sa kanya. Alam naming kapag sya, walang paltos. Naninigurado lang talaga ako.
"Yap." Sa ibang direksyon sya nakatingin. Sinundan ko ang tinitingnan nya.
Nakita ko ang babaeng laman ng isip ko magmula pa kahapon at halos hindi nagpatulog saakin kagabi. Ramdam ko pa ka ay n'ya sa pisngi ko e.
Papunta si Mae sa direksyon ng library. Mukhang doon nya naman ngayon papalipasin ang break time.
"Sige na," sumunod si Jireh. Naiwan akong nakatanga sa malapit.
Nang makita kong pinagtitinginan naako ng ibang mga estudyante ay umalis na ako roon. Hihintayin ko nalang ang balita kay Ji... sa Music Room.
.
.
.
.
.
MAE'S POV.'The best things in life are free and---"
Napatingin ako sa harapan ko nang may napansin akong umupong lalaki sa katapat ng mesa kung saan ako nagbabasa ng aklat.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^