RAVEN' POV.
MALAPIT na ako sa bahay nang makatanggap ako ng text from Guiller. Kaninang 7 am ko pa sya tinext pero ngayong 2 pm lang sya nagreply. PSH.
From: Couz Guiller
Don't worry. Nandito lang ako sa bahay.
2:01 pmI sighed with relief.
Mukhang nag-i-improve na rin sya habang dumaraan ang mga taon. Pareho sila ni Lyndon. Alam kong malapit nang dumating yung araw na pareho na silang makaka-move-on.
Napahigpit ang kapit ko nang biglang may narinig akong putok.
A gun!
Mariin akong pumikit saka sumilip sa likuran. Nakita ko ang isang kotse na kanina ko pa napapansing nakasunod saamin. Akala ko ay nagkataon lang na pareho kami ng direksyon pero ngayon ay na-confirm ko nang sumusunod talaga sila.
Alam na rin ng driver at ng dalawang bodyguards na kasama ko rito sa kotse ang nangyayari. Nakita ko nang dumukot ang dalawa ng baril.
Bumilis lalo ang sinasakyan namin pero maya-maya ay bumagal na ito hanggang sa huminto.
"What happened?" Tanong ko sa driver.
"Mukhang pinatamaan po nila yung gulong," nahigit ko ang paghinga ko. Sinilip ko ulit ang likod. Wala yung dalawang kotse na sasakyan ng apat pang bodyguards na lagi naming kasama.
Mukhang my nangyari nang masama sa kanila!
Hindi to maganda!
Doon lang sa kotse na nasa likuran nakatutok ang paningin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin.
Bumaba ang tatlong sakay ng kotse. Naka-all black sila at nakatakip yung mga mukha gamit ang face mask na tago hanggang ilong. Nangaka-bonet din sila.
Naglakad na sila at papunta sila sa direkyon namin!
Kaso, hindi pa sila nakakalayo ay may sumulpot biglang naka-motor na may dalawang sakay. Nakasuot sila ng T-shirts pareho at pantalon. Kung hindi ako nagkakamali ng tingin, parang babae yung isa sa kanila.
Yung lalaki ang nagda-drive ng motor at yung babae yung nakaangkas.
Sino sila? Magkakasama ba sila?
Nasa labas na kanina pa yung dalawang bodyguards at nasa magkabilang pintuan sila ng kotse dito sa bandang sinasakyan ko.
Nagulat ang mga lalaki at maging ako ng pagbabarilin ng babaeng naka-angkas ang tatlong naglalakad. Agad silang napabulagta sa kalsada. Walang dumaraan sa bahaging ito dahil malapit na to sa village namin.
Huminto ang motor. Bumaba ang babae saka pumasok sa kotse ng sumusunod saamin kanina. Sumaludo ang naka-motor dito at umandar na ang kotse.
Gusto kong alisin yung paningin ko doon pero napatunganga lang ako.
Maya-maya ay bumalik na yung dalawang bodyguards.
So... mga kakampi sila? Pero sino sila? Galing sa F.A.C?
"Buti nalang at dumating agad sila," bulong ng isa sa mga bodyguards sa kasama nito.
"Sino sila?" Di ko maiwasang itanong.
"A-ah... mga kasama po namin. Nagmotor po sila ngayon eh."
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^