MAE'S POV."YEAH, papunta ako." yon nalang at pinatay ko na ang tawag. Kanina pa ako inaaya nila Ji at Lyndon para daw tumambay. Yeah, right. Mga dakila na kaming tambay ng Music Room. Kahit si Skyler ay pinuntahan din ako sa room kaninang recess.
Bakit naman kaya ang dalas walang klase ngayon kapag last subject na?
Sabagay, siguro ay busy na naman sila dahil malaking event na naman ang gagawin sa susunod dahil naman daw sa 'Buwan ng Wika'.
Nasa room pa daw si Jireh at papunta na sa Music Room, si Lyndon naman at Raven daw ay isinama ni Skyler sa pagbili ng pagkain.
So, mukhang kailangan ko silang hintayin dito sa labas ng Music---
"Oh, what a nice day!" Kahit hindi ko na lingunin, sa mapambuwisit na boses pa lang ay alam ko nang si Guiller iyon. "Hi, Mae!"
Tinanguan ko lang s'ya saka tumingin sa daan upang tingnan kung paparating na ba sila Ji.
"Galit ka pa rin ba sakin?" marahas ko s'yang nilingon. "About the first meet up? The autograph? The---"
"I'm not. Kalimutan mo na 'yon." Lumapit s'ya saakin. "Lumayo ka." Itinaas n'ya ang kamay saka tumawa-tawa pa na lalong lumapit saakin.
"Hmm... bakit kaya pakiramdam ko ay may galit ka pa sa'kin?" Naha-highblood na yata ako. Please Lord, help me.
"You're too close, Mr. Falcon---"
"Call me Guiller."
"No. I prefer Mr. Falcon." Tumaas ang kamay n'ya. Gustong-gusto ko nang baliin ang braso n'ya sa badtrip ko.
Still. Mae, kaibigan s'ya ni Jireh, pinsan pa ni Raven.
"Napatawad mo na si Lyndon at Sky pero sa'kin..." umaatras na ako dahil ayoko naman s'yang patulan. Mas mabuti na ang lumayo pero lalo lang s'yang humahakbang papalapit. "Naiilang ka ba saakin, Mae?"
"I said you're too close. Stop flirting, will you?"
Ano bang akala saakin ng lalaki na 'to? Isa sa mga babae n'yang handang makipagharutan sakanya anumang oras?
A sexy chuckle came out from his--- wait, a sexy chuckle? At saan naman galing 'yon?
"Mukha bang nilalandi lang kita?" Painosente s'yang umiling. "Of course not! I'm not flirting you... I'm seducing you."
Ano daw? Seducing? I-Inaakit n'ya ako?
Tiningnan kong mabuti ang mukha n'yang mukhang nakakaloko. Mula sa makapal n'yang kilay at expressionist n'yang mga mata, matangos na ilong at syempre, ang pink na labi.
Mae, stop looking at him, will you?
"I'm handsome, yeah?"
Saka s'ya tumawa ulit. Hindi ko alam kung matutulala ako sandali, mabu-bwisit o mahihiya eh!
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Ficção Adolescente"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^