CHAPTER 29: Suffocation

22 0 0
                                    

      
                 MAE'S POV.

5:00 am...

Pagkababa ko palang ay nandoon sila dad sa mesa, tahimik na nakaupo pero hindi pa kumakain.

"Daughter," si dad. Kapag ganyang daughter ang tinawag nya saakin ay alam kong seryoso ang sasabihin nya.

Agad akong umupo sa tapat nila.

"Are you serious, Mae? Hindi mo naman kailangang gawin pa yan para lang patunayan ang sarili mo. Alam namin kung gaano ka---"

Sabi na... so, alam na talaga nila?

"Mommy. Gusto ko lang tumulong kay Kuya Kurt."

"Tutulong ako."

"Lindzy, alam nating pangarap yan ni Mae. Wag na tayong makelam," nilingon ako ni dad. " Daughter, promise me that you'll always be safe."

"Corban---"

"Promise."

Saka palang sila ngumiti saakin. Kahit parang nagdadalawang-isip si mommy ay pumayag na rin sya.

Bat nga ba ngayon ko lang naalala? Anong silbi ng pagiging Agents nilang dalawa kung hindi nila alam ang mga galaw ko?

"WE NEED to go. Napanood ko nga pala sa news na suspended ang klase nyo dahil may bagyo. Signal number 3 tayo dito sa Bataan," ani dad matapos naming kumain.

"Basta kapag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang. Aalis na kami."

Kiniss pa nila ako bago sila umalis.

Mas maganda na rin siguro to, hindi kailangang lumabas ni Raven sa  nila at sa isang lugar lang sya kailangang bantayan.

Tumayo na rin ako at bumalik sa kwarto.

Sumilip ako sa bintana. Umaambon lang at medyo palang lumiliwanag.

Hindi ako sanay ng walang pasok. Mas nasanay na ako na nasa room o kaya ay nasa MRB kami.

Ano na kayang ginagawa ngayon nila Jireh?

Si Raven kaya?

Si Lyndon?

Si Skyler?

At... si Guiller?

Huminga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Alam kong napapalapit na talaga ang loob ko sa kanilang magkakaibigan.

Lahat sila, isa-isa ay palihim ko nang sinundan at minan-manan ng personal at mukhang mali na pagdudahan  ko pa ang pagmamahal at pagpapahalaga nila sa isa't-isa. Ako mismo ang saksi sa tunay nilang samahan.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon