CHAPTER 35: Only Hope

20 0 0
                                    


              PRINCESS' POV.

SA ISANG LINGGO naming pagmamanman ay wala kaming nakitang kakaiba sa paligid ni Raven. Wala ring report si Mae. Gusto kong matuwa dahil sa isang linggong katahimikan pero hindi ko magawa. Nagpa-panic pa rin ako dahil baka naghahanap lang ng tamang timing ang mga kalaban.

Hindi kami pwedeng pakasigurado. Ilang buwan nilang pinagbabalakan si Raven kaya nakakapagtaka naman kung tititgil sila ng biglaan.

"Sweet, kain muna kaya tayo?" inirapan ko ang hudyong si Dexter na naka hawak pa sa tiyan nya.

Lunch na kasi pero hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa monitor ng CCTV habang pinagmamasdan ang natutulog na si Raven sa room nila.

Kaka-bell palang at siguro ay papunta palang ang mga kaibigan n'ya sa kanya. Gano'n naman palagi ang routine nilang magkakaibigan--kung hindi s'ya ang pupunta sa tambayan, ang mga ito ang pupunta sakanya.

"Wag mong masyadong titigan yan, Sweet, nagseselos naako."

"Pwede ba, Dexter? Tigilan mo muna 'yang kaabnormalan mo!" lalo ko syang tiningnan ng masama pero natawa lang s'ya!

"Sweet. Sweet. Sweet."

Ilang taon na rin akong nagtatrabaho sa F.A.C at mula palang training ay kasama ko na 'tong si Dexter. Mula rin noon paman, sila na palagi ang magka-partner sa mga misyong gagawin.

Hindi ko alam ang trip n'ya sa'kin kaya tinatawag nya akong sweet dahil una, hindi ako sweet. Pangalawa, ayoko ng ka-corny-han n'ya. Pangatlo, ayokong mapasama aa mga naghahabol sakanyang babae. Oo, isip bata nga sya, pero napaka womanizer naman ng lintik.

"Stop it, will you?"

"What?" nagpainosente pa ang timang.

"Ewan ko sa'yo. I-connect mo nalang itong phone ko sa CCTV para pwede ko nang mabantayan si Raven habang kumakain tayo." Sumimangot na naman s'ya pero sinunod naman ang utos ko.

Hindi ko makeri ang saltik nya, grabe!

.
.
.
.
.
     
              JIREH'S POV.

KAKAALIS lang ni Lorianne Mae dito sa Music Room. S'ya na daw kasi ang magpapasa ng group project nila nila Lyndon at didiretso na rin daw s'ya pauwi.

Wala pa ring nagsasalita saamin mula nang umalis s'ya. Hanggang sa nakarinig ako ng pagtugtog ng gitara. Si Lyndon.

"Baby, I know the story,
I've seen the pictures its written all over your face.
Tell me, what is the secret
That you been hiding
And who's gonna take my place."

Doon lang kami nakatingin lahat hanggang sa matapos s'ya sa pagtugtog at pagkanta.

Inilabas ki ang notebook na nasa bag ko at iniabot ko agad kay Raven.

"What's that?" Nagtataka nyang tanong sabay kuha noon.

"Yours" simpleng sagot ko at nakita ko nang nanlaki ang mata nya matapos nya iyong buklatin.

"P-paanong... how did you..." gulat pa rin sya at nagdududang nakatingin saakin.

Nag-iwas ako ng tingin.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon