JIREH'S POV.NAGLAKAD pa ako ng kaunti bago sya muling hinarap. Ipinagpatuloy ko pa ang pagkukwento.
"That's LXR fraternity. Alam mo bang yong frat lang na yon ang legal dito sa Hillcon?" hindi nya sumagot "4 years ago... pumasok ako dito ng 2nd year highschool. Nasa section A kaming lima sa maniwala ka man o hindi, kaya nga kami naging magkakaibigan. Yung room na yon--- kung saan nagpunta si Lyndon--- iyon yung room namin dati. Maayos naman ang lahat... pero napapansin namin na parang may kakaiba kay Lyndon kapag nandoon kami sa room na yon. Sa room na yon, sinasabi nyang nakikita nya ang parents nya na mga patay na sa panahong yon."
"Paano?"
"Nagtuturo din dati dito yung dad talaga ni Lyndon. 10 years syang highschool teacher pero mas pinipili nyang doon palagi mag- advisory sa room na yon. Sabi ng nakausap naming psychiatrist, maaari daw na naaalala lang ni Lyndon ang lahat.
"Nalaman kasi namin na noong bata pa si Lyndon , lagi silang pumupunta ng mommy nya sa room ng dad nya para dalahan ng lunch, or dalawin lang ito.
"Meron daw si Lyndon nung tinatawag 'tragic moods' na kakabit ng experiences or memories nya from the past. Tipong... Dahil sa mga ala-ala nya, hindi nya na malaman ang pagkakaiba ng past at present minsan kaya nagkakaroon sya ng mga hallucinations, so parang nakikita nya nga yung parents nya."
"Pero diba, college building yon? Kasi---"
"Pinakiusapan namin nila Guiller at nung iba pa naming mga kaibigan yung dad nya at dad ni Raven na ilipat nalang kami ng room. Ipinaliwanag naming lahat sa kanila. Naintindihan nila kami pero imbes na ilipat lang kami ng room, pinagpalit nila ang buildings ng college at highschool. Sa madaling salita, sa kabilang gate, kung nasan ang buildings ng highschool, dating college buildings yon, and vice versa."
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^