MAE'S POV.
"Lorianne Mae, these are my friends, Sky, Lyndon, Guiller, and Raven." Itinuro nya pa isa-isa ang mga naroon.
Nang ilahad nung Lyndon ang kamay nya, nag-aalangan ko pang tiningnan si Jireh bago iyon tinanggap.
Nakipagkamay din saakin ang dalawa. Samantalang ang nakaupo sa harap ng piano ay tumango lamang kaya't tinanguan ko na lang rin sya.
Lihim akong nagngingitngit sa ngising aso na ibinibigay saakin nung Guiller. Well, bakit nga ba kailangan kong pansinin 'yon?
Humalukipkip ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid. Malawak iyon at malinis. Ang tanging laman ay ang mga musical istrument, dalawang mahahabang upuan, limang sofa at isang may kalakihang mesa.
Inaya ako ni Ji na umupo sa sofa.
Napadako ulit ang tingin ko sa kanila. Parang super awkward. Nobody's talking.
"Mae, gusto mong juice?" Tanong saakin ng kaklase ko na si Lyndon nga.
"Ako na kukuha, may ref kami dito eh." Di pa ako nakakasagot ay nagtatakbo na patungo sa isang pintuan yung Skyler. Pagbalik ay ibinigay n'ya saakin yung isang chocolate juice na naka-pack.
"Thank you," halos di pa lumabas sa bibig ko sa pagkabigla sa mga nangyayari.
Pinilit kong uminom. Buti nalang dahil nakatulong yon sa iniisip ko.
Ganto pa rin... Alam kong naguguluhan ako sa nangyayari at nabigla pero ni hindi man lang nagrereact ang katawan ko.
"Gusto mo bang sandwich, Mae!?" Mukhang natutuwa pa at excited na tanong nung Lyndon.
Umiling nalang ako.
"Did you know that the heart and the brain is the most important part of the circulatory system?" Eto na naman si Lyndon sa pa-trivia nya.
"Yes, I know." Mahina kong sagot. Ngumiti sya.
"Sana ol alam. Ako narinig ko lang kay Jireh nung nakaraang dumaan ako sa room nila—"
"Wala namang nagtanong, sml?" Pambabara ni Sky dito sabay akbay.
Tinaggal ni Lyndon ang braso ni Sky sa balikat nya. "E pake mo ba? Gusto kong magkwento eh. Paano napakatahimik naman ng mga to, awkward na nga tas gusto mo di pa ako magkwento? Edi lalo nalang naging awkward? Tas tingnan mo palagi nalang tayong tahimik lalo kapag ayaw ni Raven nang maingay. Di na nga ako nakakapag-ingay—"
"Ha-ha-ha, di ka pa nakakapag-ingay nyan ha? E bunganga monparang pwet ng manok."
"Hoy siraulo ka ah! Sobra kana, Sky! Tama ba namang ikumpara mo yung bibig ko sa pwet ng manok? Bakit kissable ba yon tulad ng labi ko? Sexy din ba pwet ng manok gaya ng lips ko—"
"Nyenye dami mong sinabi tas sasabihin mong di ka pa nakakapag-ingay nyan, ha?"
"Totoo naman ah! Ngayon lang kaya nilulubos ko. Buti nga di pa nagreact si Raven para sabihing: Can you just please shut your mouth up?"
"Nakakarindi kasi boses mo tas madaldal ka pa."
"Nagsalita ang tahimik."
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^