CHAPTER 37.5 A Game (Part 2)

20 0 0
                                    


                 MAE'S POV.

THE GAME ended. Mas marami pa akong nalaman tungkol sa kanila. Pero kahit isa, walang naglakas-loob na magtanong saakin na lihim kong ikinahinga nang maluwag.

Pagkatapos ng seryosong tanong ni Raven Kay Jireh ay puro kalokohan na ang mga sumunod na tanong.

Like, 'Lyndon, sa tingin mo, ilan na ang mga naging kalandian mo?' tanong ni Sky kanina na sinagot ni Lyndon ng one thousand.

'Raven, bakit favorite mo ang lollipop?' tanong ni Jireh na sinagot ni Raven ng 'Because it's my favorite'.

Pero sa kabila ng lahat, siguradong may alam na sina Jireh, Raven, at... Skyler? May kakaiba kay Sky, napansin ko 'yon una palang.

Nakauwi na ako at iniisip pa rin ang kanina. Alam kong gusto ni Jireh na may malaman pa tungkol saakin pero nahihiya s'yang magtanong, or more on... natatakot s'ya.

"Mae, nandito si Kuya Jensen mo sa ibaba." Rinig kong sigaw ni mommy habang marahang kumakatok.

"Sige po, bababa ako." Wala ako sa mood pero hindi ko naman pwedeng baliwalain si Kuya Jensen. Dumalaw pa talaga s'ya dito para lang makapag-bonding daw ulit kami.

"Naistorbo ba kita, Mae?" Bungad n'ya sakin. Umiling naman ako. "Pasensya ka na. Bored lang ako dahil wala palaging tao sa bahay. Tsaka, nabitin ako sa bonding natin nung nakaraan. Pwede ba nating ituloy? With Kurt?"

"Sure, kuya," sagot ko. Idinial ko agad ang number ni ate Mika at sinabi kong kakausapin namin ang pinsan ko.

(>"Good. Bored na bored na rin tong isa eh! Ayaw lang talaga s'yang palabasin ni Big Boss."<) sagot n'ya bago ibinigay kay Kuya Kurt ang cellphone.

"THE WORLD IS A GAME. A gamble." Ani Kuya Jensen. Tinanong n'ya lang ako kung boyfriend ko daw ba si Ji. Nung sinabi kong hindi, sinabi n'ya na kailangan ko daw magpakatalino sa mundo dahil isa nga raw itong sugal... isang laro. Seriously, hindi ko gaanong na gets ang sinabi n'ya.

"P-paano mo naman nasabi?"

Narinig ko ang pagbuntong- hininga ni Kuya Kurt sa kabilang linya. (>"Kuya, sigurado kana bang kaya mong magkwento tungkol sakanya?"<) That's so mysterious. Nung nakaraan pa sila parang may taong pinag-uusapan.

"Of course." Sagot n'ya kaagad at seryoso saaking humarap saka sinimulan ang pagkukwento.
"About 8 years ago, I met Lhyre. She became my girlfriend not because I love or like her." Nagulat ako dahil agad nanubig ang mata nya pero pinunasan n'ya kaagad. "Nang pinili ko ang business world kaysa sa pagiging agent, alam kong ang kapalit no'n ay mawawalan ako ng kalayaan na pumili ng mapapangasawa ko. Alam kong 'makukulong' ako."

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon