CHAPTER 25: Back to Normal

25 1 0
                                    

          

           LYNDON 'S POV.

"ANO yan, ha?" Bigla kong naitago ang cellphone ko sa bulsa ko. "Asus! Tinago pa, e, nakita ko na rin naman. Sabi ko na nga ba at may gusto ka sakanya."

Gago talaga tong si Sky. Sobra na ang pagiging tsismoso.

"Ano bang ginagawa mo dito, ha?" Nag galit-galitan ako.

Ano ba kasing ginagawa nya dito sa likod ng Music Room? Samantalang ako lang naman ang tumatambay dito. Ni wala nga ditong napapagawi dahil bali-balitang may multo raw dito.

Napaka-duwag pa naman netong si Sky!

"Naku! Kalokohan mo. Galit-galitan para ma-change topic? Lul."

Nababadtrip na talaga ako sa bunganga nya.

Kaya ang ginawa ko, kinwento ko nalang sakanya yung mga nangyari kanina pagkapasok ko.

>FLASHBACK...<

EXCITED akong umupo sa desk ko. Para akong bulateng inaasinan. Ewan. Excited ako eh, ano ba?

"Good morning, Mae! Kamusta na?" Yun nalang nasabi ko. Hehehe.

Tumingin sya agad saka tumango.

Napansin ko tuloy na meron syang suot na dalawang maliit na hairpins sa gilid ng buhok nya. Wow, ang cute!

Ngayon ko lang sya nakitang nag-ganun ng buhok eh.

Kinuha ko ang cellphone ko. Baka kasi mamaya, tulad ng mga agents sa pelikula, sobrang lakas din ng pakiramdam nya. Paano na lang kapag nahuli nya akong nakatitig sakanya?

No, no, no!

Kumuha ako ng isa kong notebook. Iniharap ko ang notebook sakanya tapos don ko tinago yung cellphone ko pero nakalitaw pa rin yung camera. Ang talino ko talaga!

Nakakatatlong shots na ako ng pabigla syang tumingin. Naramdaman nya rin kaya yung ginagawa ko?

"M-Mae, nakita mo na ang---"

"Mag-i-stollen ka nalang, may flash pa? Tsk!" Aniya at binaling ulit sa whiteboard ang paningin.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon