LYNDON'S POV.
HINDI ko alam kung paano ako nakarating sa school kanina. Basta't namalayan ko nalang na nakaupo na ako.
Wala akong maramdaman, liban sa parang nakalutang ako. Para akong namamanhid. Wala akong naririnig. Para akong nabibingi.
Wala pa akong tulog mula kagabi. Taon-taon to.
Nakaupo ako ngayon dito sa upuan sa pinakaharap ng mga nakabulagtang mga tao.
Naalala ko yung nangyari pagdating ko kanina sa room...
>FLASHBACK...<
"Good morning." Natigilan ako sa boses ni Mae sa tabi ko.
Anong sasabihin ko?
Pinag-isispan kong mabuti ang gagawin hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong lumilingon sakanya at pilit na ngumiti.
"G-good morning din, Mae"
Tama, minsan lang to. Sa totoo nga nyan, ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na binati nya ako mula nang magkita kami.
Sa mga nagdaang taon, sa ganitong petsa, wala akong pake sa kahit kanino, walang nakakapagdikta saakin, walang nakaka-kausap saakin---ngayon lang.
Dahil minsan lang to... at baka hindi na maulit pa.
>END OF FLASHBACK<
Pinaalis ko na kanina yung lalaking hine-hazing nila.
Kung tama ako, mga nasa beinte yata sila. Narinig ko ang pagtayo ng isa. Sinisipa nya ang ilan nyang mga kasamahan upang gisingin.
Bumangon naman ang iba hanggang maramdaman ko ang mga tingin nila kaya nag-angat ako ng paningin. Bahagya pa silang napaatras at bakas ang takot sa mga mukha nila.
"Sino... s-sino ka?" Anang lalaki na tila syang lider nila.
"Sino... ako?" Tumawa ako ng marahan na nagdagdag sa takot nila. "Anong fraternity to?"
"Wala ka nang pakelam pa! U-Umalis ka na ngayundin dito!" Nagsipagkuhanan sila ng kung anu-anong panghampas. May baseball bat, mga malalapad na kahoy, yung iba may hawak na kutsilyo. Pero wala akong maramdaman. "Bibilangan kita ng tatlo, tumakbo kana kung hindi ay malilintikan ka na!"
"Ikaw ba ang leader nila?" Sa halip ay tanong ko.
Nagdadalawang isip syang umiling. "Bakit, wag mong sabihing hihintayin mo pa ang leader namin? Wala kang panama kay Uno!"
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Novela Juvenil"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^