CHAPTER 40: Back

34 0 0
                                    


                 GUILLER'S POV.

Three days. Putek, three days ko nang hindi nakikita si Mae mula nung Linggo na dinalaw namin s'ya. Gusto ko pa nga sanang dalawin ulit s'ya pero sinabi na hayaan daw muna namin si Mae.

>FLASHBACK...<

"PUNTAHAN kaya natin si Mae, Ji?" Kanina ko pa gustong itanong yon kay Ji pero wala akong lakas ng loob. Buti nalang nandito si Lyndon.

"I'm sorry, hindi pwede." Bumuntong hininga s'ya. "Kung pwede lang... pumunta na ako kanina pa."

"Bakit hindi? Nung nakaraan naman---"

"Nung nakaraan, si Tito Corban ang nag-imbita saakin na dalawin si Mae dahil nga daw may sakit s'ya. Isama ko pa nga raw ang iba pa naming kaibigan kaya isinama ko nga kayo. Pero kaninang umaga, tinanong ko kay tito kung pwedeng pumunta pero sabi n'ya, hayaan daw muna si Lorianne Mae na magpahinga."

"Pero ano namang sakit ni Mae this time?" Sky

"Sabi lang nila tito masyadong stress kaya bawal pang pumasok."

Hindi ko na 'to kaya! Kahit kahapon lang nang dumalaw kami. Wala s'yang malay at may nakakabut na dextrose sakanya habang nakahiga sya sa kama n'ya.

Hindi rin kami nagtagal sa bahay nila Mae.

Martes na. Kailangan ko talaga s'yang makita. Kahit silip lang. Kahit makita ko lang yung mukha n'ya.

Sumakay ako sa kotse pero syempre, may kasama akong driver. Pumunta kami doon sa village nila. Ang kaso, sabi ng guard, hindi daw tumatanggap ngayon ng kahit na sinong bisita ang mga Fuentes.

Ipinagpilitan ko na nga na kakilala ko naman yun, pero iyon daw ang order. Kahit halos nagmakaawa na ako ay hindi pa rin ako pinapasok.

>END OF FLASHBACK<

HINDI KO NAMALAYAN na papasok na pala ako ngayon sa room namin. Kaso, nang nasa pintuan na ako ay nakita ko si Jireh.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon