A/n: MRB means Music Room BuildingSKY'S POV.
NAPAKAMOT ako sa ulo ko
Nasan na kaya si Jireh? Kanina ko pa sya hinahanap. Baka napikot na 'yun ng kung sino dito ah! Tsk! Hindi man lang s'ya nakatapos ng pag-aaral.
Kapag nagkataon, mababawasan ang mga tulad naming gwapo at hot na mag-aaral dito sa Hillcon!
Halos nalibot ko na ang buong Hillcon kahahanap. Hindi na rin ako nakapag-recess kakahanap sa kanya.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita sya sa isang tagong bahagi ng school.
Literal talagang nanlaki ang mga mata ko nang mapansing meron syang kayakap na babae...
Sabi ko na nga ba, napikot na nga sya!
Napatago agad ako sa pader na naroon. Nang magbitaw sila ay doon ko lang nakita kung sino ang kasama nya--- si Mae!
o_0
Hindi ko marinig kung anuman ang pinag-uusapan nila dahil may kalayuan ang kinaroroonan ko at mahina lang ang mga boses nila.
Hmm... I smell something. May relasyon ba ang dalawang 'yon? Pero, bakit wala namang nababanggit si Jireh? Tsaka, nung isang araw lang namin nakilala si Mae.
Sabagay, kami nga lang pala ang isang buwan nang absent pero si Jireh ay pumapasok parin. Isa pa, masyadong marami s'yang alam tungkol sa babaeng yun ah!
Inalis ko ang tingin sa kanila at nag-isip-isip. Eto ang gusto ko eh, ang mga palaisipan.
Idol korin kasi si Detective Conan at James Bond 007. Palagi ko nga pinapanood 'yung dalawang 'yun.
Base on my deduction, it's either malabo ang mata ko at Mali ang nakikita ko o kaya naman talagang may something sila.
Tiningnan ko pa sila sandali na nag-uusap parin bago ako umalis roon.
Bwahahaha... Malalaman ko rin kung anong ganap.
Matalino kasi ko eh! Di nyo lang naitatanong.
HINDI pa ako ganap na nakakapasok sa Music Room, naririnig ko na ang tunog ng isang piano.
Inilapit ko ang hintuturo ko sa screen na naroon sa pinto kaya't agad na bumukas ang pinto. Napagtripan lang naming gawing finger-print ang lock ng tambayan namin. Ayaw naming may ibang nakakapasok dito.
Agad kong nakita si Raven na nakaupo sa harap ng piano habang nanonood sina Lyndon at Guiller.
Nang mismong matapos sya ay pumalakpak ako at gaya ng inaasahan, nagsitinginan sila sa'kin.
Binigyan ko sila ng makahulugang tingin. Nagtataka silang nagsipagkunutan ng noo. Binigyan naman nila ako ng : What-Do-You-Want look.
Tumingin muna ako sa likuran. Baka kasi nandito na si Ji, maririnig nya pa yung tsismis ko tungkol sa kanya.
Nang makasigurado ay walang kaingay-ingay akong lumapit sa kanila.
"May nasagap ka na namang tsismis no?" tila excited na usisa ni Lyndon. Kinindatan ko sya.
*_^
"Di ba, ang sabi ko sayo, hanapin mo si Jireh? Babalik ka ngayon tapos tsismis pa ang dala mo? Ang kailangan ko, si Jireh. Para matapos na ang mga kahibangan na 'to" iritado naman si Guiller. Kunwari pang hindi interesado sa tsismis ko eh! Sus!
"Yun na nga... May balita ako tungkol sa kanya," binitin ko talaga ang sasabihin ko para lalo silang ma-excite.
"At ano naman 'yon?" duet pa talaga silang tatlo.
"Alam nyo ba, si Jireh---"
"At ano namang tungkol sakin?" napanganga ako. Eto na nga ba... nandito na si Ji! Nag-quiet sign ako sa kanila bago humarap sa kanya. Hindi ko narinig ang pagdating nya! Kainis!
"Hi Ji!" bati ko. Kaagad ko syang nilapitan saka niyakap ng mahigpit.
"A-ano bang ginagawa mo?" pinigilan kong mapangiti nang mapansin ang pamumula ng mukha nya habang pilit inaalis ang pagkakayakap ko.
Nababakla sakin to!
Wala namang umiimik sa mga nasa likuran ko.
"Yiiee, sabi ko na nga ba't kinikilig karin sakin eh! Naku, ikaw tala---"
"Sky, may kasama ako" napatuwid ako dahil sa sinabi nya.
Napangiwi ako. Hindi dahil sa nahihiya ako sa inasal ko, kundi dahil parang... alam ko na kung sinong tinutukoy nya.
Nakabukas pa pala ang pintuan. Kahit expected ko na kung sinong kasunod nya, para parin akong nakakita ng multo nang pumasok at napatunayan ko ang hinala ko.
Oh no! Bakit sya dinala dito ni Ji!?
.
.
.
.
.MAE'S POV.
"HALIKA, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," yaya niya maya-maya pa.
"Huh?" Ano daw? Sa mga kaibigan nya? Anong gagawin ko don, makikipag-world war 3?
"Halika na," hinawakan nya ang kamay ko kaya ako napatayo. "Wag kang mag-alala."
Bumuga ako ng hangin at sumunod na sa kanya.
Medyo malapit lang ang pinuntahan namin. Halos nasa gitna ang Building naiyon ng buildings ng Highschool and College.
Ang Building na mahigpit na pinagbabawalang puntahan ng mga estudyante maliban daw sa mga may-ari.
Itinapat ni Ji ang hinliliit nya doon. Bumukas naman ang pintuan. Pumasok na agad sya pero ako ay nasa bandang pintuan lang.
May naririnig akong nag-uusap ngunit hindi ko na sinilip pa.
"Alam nyo ba, si Jireh---"
"At ano namang tungkol sakin?" tanong agad ni Ji nang marinig ang nagsalita.
"Hi Ji!" Nang lumapit ang lalaki ay doon ko lamang siya lubos na nakilala.
Sya yung isa sa mga lalaking nasampal ko. Itim na ngayon ang kulay ng buhok niya. Niyakap nya agad ng mahigpit si Jireh.
"A-ano bang ginagawa mo?" -Ji.
Tahimik na nakatingin ang tatlo pang lalaki sa likuran sa nagaganap at maging saakin narin.
"Yiiee, sabi ko na nga ba't kinikilig karin sakin eh! Naku, ikaw tala---"
"Sky, may kasama ako."
Ngumiwing bigla ang lalaki lalo na nang bahagya akong lumakad palapit.
"Ji?" nagtatanong ang tingin nito.
"Guys, I want you to meet Lorianne Mae, my best friend."
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^