MAE'S POV.
NAKAUPO na ako kanina pa dito sa desk ko. Kahapon pa yun nangyari pero parang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Para akong nakalutang at nawawala sa sarili t'wing maaalala ko.
>FLASHBCK...<
"H-HIJA..." bigla akong napalingon sa parang pamilyar na babaeng narinig kong nagsalita.
"T-tita..."
Agad syang lumapit saakin at niyakap ako.
Eto pala yung surprise na sinasabi ni mommy nang pababain nya ako kani-kanina.
Nakita ko ang napakalawak na ngiti ni Jireh habang kayakap ko si tita... Ang mommy Jandry nya...
"I'm so sorry," nagsimula na syang umiyak. "Masyado lang akong nasaktan sa pagkamatay ng anak ko. Hindi tamang sinisi ko ang pamilya nyo," bumitaw na sya.
"Tita, wala po kayong kasalanan"
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Im crying inside but I can't express what I feel right now.
Nagkabati na sila nila mommy. Kasama din nila si Tito Black kaya nagkausap-usap na rin kami.
Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko ay nabunutan ako ng tinik na matagal nang nakabaon sa kaloob-looban ng pagkatao ko.
>END OF FLASHBACK<
KONTI palang kami. Hindi ko alam kung sadyang mahuhuli lang ba yung iba or meron pa silang aftershocks sa one week na kasiyahan last week.
Naramdaman ko nalang ang upo ni Lyndon sa desk nya.
Nilingon ko sya ng mabilisan at pasimple dahil in all fairness hindi sya nangungulit ngayon. Hindi tulad noon na pagpasok palang ay energetic na---sh*t! July 24 pala ngayon!
"Please Anne, tutal classmates naman kayo, paki-tingnan naman si Lyndon bukas. Baka kung anong gawin"
Naalala ko ang habilin ni Kuya Kurt sakin kahapon nang dalawin ko sya.
Wala pang isang buwan pero maayos na sya. Pero sinisiguro naming hindi muna sya magta-trabaho. Binigyan din sya ng F.A.C ng another month para makapagpahinga at magbakasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/147039362-288-k255608.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Novela Juvenil"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^