CHAPTER 32: Diary

21 0 1
                                    


            GUILLER'S POV.

WALA pa ang sasakyan ni Jireh dito sa bahay nila kaya't pinatakbo ko na ang motor ko papaalis doon.

Nasan kaya yon? Magkasama kaya sila ni Mae?

Tsk! Pake ko ba?

"Gagoo! Nung Huwebes nga, inamin mong  in love ka kay Mae! Ulol! Wag kanang magkaila."

Naalala ko yung sinabi ni Sky sakin kanina. Hindi no. Porket lasing ako nung Huwebes, ginawan nya na ako ng kwento na kesyo umamin nga daw ako sakanya na in love ako kay Mae. Lols.

Hindi ako mai-inlove sakanya. Lako na't galit na galit sya saakin.

"Step number 1, dapat mapansin ka nya. Ikaw na bahala kung sa paanong paraan pero dapat, mabigyan ka nya ng atensyon."

Ipinilig ko ang ulo ko. Pagkagising ko nung Biyernes, may mga naalala ako na panaginip ko yata kung saan binibigyan ako ng tip ni Sky kung paano daw magkakagusto saakin ang taong gusto ko.

The hell lang. Di ko kailangan ng mga advice nya dahil lahat ng chix ay lumalapit saakin... nanginginig pa!

Kahit si Mae?

Minsan parang gusto kong ipatanggal yung bahagi ng utak ko na laging kumokontra saakin eh!

Umuwi nalang ako sa bahay. Wala akong planong maglibot at mambabae sa kung saan man ngayon. Napapansin ko rin na hindi naako pala-labas. Mag-isa nalang madalas ngayon sa pagwu-woman hunting si Skyler.

Humiga nalang ako sa kama ko at di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Medyo madilim na sa labas.

"He--"

(>"Guiller! Si Raven!"<) Panimula ni Tito at napabalikwas agad ako ng bangon.

Nag-aayos ako ng pagbibihis habang ikinukwento ni Tito ang nangyari kay Raven kanina sa sementeryo at nakahinga ako ng maluwag nang malaman na nasa bahay na sya.

"Pupunta ako dyan, tito"

(>"No, wag na, Guiller. Baka kung ano pang mangyari sayo. Dyan ka nalang sainyo. Sige, ibinalita ko lang talaga yan sayo.">)

"Pero ti--" pinatayan nya na ako at isa lang ang ibig sabihin non, gusto nya akong sumunod sakanya.

Umupo ulit ako sa kama at inihilamos sa mukha ko ang dalawa kong kamay. Hindi na talaga maganda ang mga nangyayari kay Raven. Nagtataka nga ako eh!

Kung meron mang mas may hustisyang magkaroon death threats, ako siguro yon. Kabaligtaran ko si Raven. Tahimik lang sya, isnabero nga lang. Pero hindi sya nagsisinungaling at hindi nagmumura.

Isa pa, oo nga at isa sila sa may-ari ng Hillcon University pero pati naman kami ah? Pamana ni Lolo Raver ang Hillcon kila dad at Tito Jeonald. Anak si Tito Jeonald ni Lola sa una nitong asawa. Gayunpaman, itinuring ni Lolo Raver si tito Jeonald na parang tunay nyang anak kaya naman pantay lang ang  pamana nya sa dalawa.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon