CHAPTER 9: Folder

28 4 0
                                    

                 MAE'S POV.

"Ji," hindi na ako nagulat pa nang makita ko sya malapit sa building ng room namin.

Nakasuot sya ng cap na hindi ko alam kung para saan habang nakasandal sa isang puno ng akasya.

Pero ang ikinagulat ko ay nung bigla nya akong niyakap.

Medyo...

A-W-K-W-A-R-D

Hindi. Ang totoo ay awkward naman talaga at alam kong ramdam nya rin yon. Hindi na kasi kami mga bata na tulad noon.

Nung bumitaw sya ay agad syang ngumiti. Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay saka ako hinila nang bahagya para magsimula na kaming mag lakad.

Malapit na kami sa gate nang tumunog ang cellphone ko.

Tumigil ako at kinuha iyon sa aking bag.

"Excuse me," sabi ko kay Jireh at tumango sya. Lumayo ako ng konti nang makita kung sinong tumatawag.

Si tito-ninong--- Jonathan Alvarez, dad ni kuya kurt.

"Hello po"- me

(> " Mae, may hihingin sana akong pabor" <) - sya

Tinitingan ko sa sulok ng aking mga mata si Jireh. Wala namang indication na naririnig nya kami. Medyo bumubulong nalang rin ako.

(>" Tungkol sa trabaho nila Kurt. Pwede bang tulungan mo sila na bantayan ang 'subject' na pinoprotektahan namin? Dyan din sya nag-aaral sa Hillcon University "<)

"Sige po," sa loob Ko ay tila may nabuhay na excitement. Matagal ko na talagang pangarap na magkaroon ng partisipasyon sa F.A.C

(>" Salamat"<) nabakas sa boses nya ang kasiyahan (>"Pero Mae, hindi ko pa ito nababanggit sa magulang mo "<)

"No,tito. Alam nyo namang hindi sila papayag, diba? Gusto nila ay makatapos muna ako ng pag-aaral bago humawak ng anumang misyon kahit pa tapos na akong mag training noon pa" -ako

(>"Yeah, I understand. Don't worry, hindi ko muna sasabihin... sa ngayon. Nga pala, kunin mo sa guard na may name plate na "REMY" ang isang folder na kulay green. Dyan sa tabi ng gate. Tandaan mo supercalifragilisticexpeladocious"

Inulit nya pa ulit yon ng isang Beses saka na namatay ang linya.

supercalifragilisticexpeladocious?


Ha? Ano daw?

Kinagat ko nang bahagya ang dila ko bago ko muling binalingan si Ji.

Nakangiti sya saakin.

"May kukunin pala ako," sambit ko ng matanaw ko ang dalawang guard na nag babantay ng mga estudyante at sasakyang lumalabas sa gate.

"Tara, samahan na kita," anyaya nya.

"O sige" sabay kaming naglakad "Wait lang Ji," pinahinto ko muna sya nang medyo malapit na kami. Tila nakakaintindi syang tumango.

Nilapitan ko ang nakita kong isang guard na meron ngang nameplate ba "REMY".

"Excuse me," sabi ko at tumingin sya saakin. "May ipinapakuha saakin ditong green folder ".

"Green folder? so you are ....?" Tinaasan nya ako ng kilay at bahagyang nginisian.

"Mae Fuentes."

Nakakainis. Ba't kailangan nya pang itanong? Nakakapagod mag salita ng mahaba. Naaasar ako pero di ko pinapahalata.

"So what's the password? " aniya pa.

"Pass... What? I--"

"You're not really Mae Fuentes? " lalong naging mapang-asar ang tono nya.

"I am... " napatingin ako sa taas "Super... Cali... "

Gosh!

Diretso ko syang tiningnan sa mata.
"Supercalifragilisticexpeladocious".

Nangunot ang noo nya at bahagyang yumuko. "Miss Fuentes! Im so sorry! "

Bingo! Largest word in English ba yon? Pero parang may mali.

"It's okay, the folder? " tanong ko ulit at nagmamadaling binuksan ang nasa likuran nyang drawer.

Hindi iyon halata dahil mas mataas ang upuan na pahingahan nilang mga guards. May kinuha sya mula doon at inabot na saakin.

Ang green folder.

Ang kapal din pala nito, parang isang libro.

Tumango tango ako at inilagay iyon sa bag ko.

"Salamat," bago ako tumalikod.

"Good luck po," rinig kong sagot nya naman at aaminin kong nag-isip ako dahil ssa goodluck na yon.

Ganoon ba talaga kahirap ang kailangan kong gawin para kailanganin ko ng 'good luck'?

Mga pitong hakbang lang nakalapit ulit ako may jireh. "Sorry kung natagalan ako. May pinakuha lang saakin," sabi ko agad.

"Ayos lang Lorrianne Mae. Let's go," inabot nya ang kamay nya tinanggap ko iyon at pinuntahan namin sa parking area ang puting kotse.

Usapan namin ngayon na magku-kwentuhan pa dahil nabitin nga iyon kahapon. Kahit gustuhin n'ya man daw na kahapon palang ay magkwentuhan na, alam namin na pareho pa namin kailangan mag-adjust dahil masyado nang marami ang nalaman namin aa isa't-isa.

Pero ano namang gagawin namin ngayon?

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon