JIREH'S POV.
"MR. MARQUEZ, are you okay?" Nagtatakang usisa ng prof namin nang madaanan nya ang inuupuan ko habang papalabas.
"Y-yes, sir," sabi ko nalang. Alam kong napansin nila ako na kanina pa nag-i-space out.
Hindi talaga ako mapakali, kanina pa.
Pumasok si Lyndon. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa or ikabahala. Ikatuwa dahil classmates sila ni Lorianne Mae at pwede kong ipatingin sakanya si Lyndon. O ikabahala--- Dahil baka kung anong maisipan nyang gawin na makapahamak sa iba at sa mismong sarili nya.
Aish!
Tinanggal ko ang suot kong salamin sa mata. Ayoko ring masyadong sinasanay yung sarili ko na nakasuot ng salaming may grado kasi alam kong baka lalong lumabo yung paningin ko.
Tapos si Guiller, kamusta na kaya sa kanila? Pero ang tanong, nasa kanila nga kaya sya? Hindi kasi pumasok.
July 24. Kagaya ng mga naunang taon na nakilala ko sila at naging mga kaibigan, parang ayaw kong sumasapit ang araw na to...
5th year Death anniversary ng parents ni Lyndon ngayon kaya alam ko na sa mga oras na to ay down na down talaga sya.
Grade 6 daw si Lyndon ayon kay Skyler nang mamatay nang sabay ang mga magulang nito dahil sa parehong sakit---cancer.
And for heaven's sake! He's only 12 years old that time!
Si Guiller naman... Anniversary din nila ng girlfriend nya ngayon.
5the year Anniversary... sana. Kung hindi lang sya umalis. Gaya ni Lyndon, alam kong malungkot at nasasaktan pa din sya ngayon. Pero sana ay wala silang gawing ikakapahamak nila this time.
Last year, nakipag-away silang magkasama sa isang bar. Kailangan pa nilang ma-confine dahil malala yung mga bugbog nila sa katawan.
Last-last year, nag-overdose si Guiller ng gamot habang si Lyndon ay natagpuang bumubula ang bibig dahil uminom ng lason. That was so close! Buti nalang at nakita agad sya ng papa nya.
Yung papa nya ay kapatid ng dad nya---bale tito nya yon, iyon yung nagbagsak sakanya last school year. Itinuring nya na rin iyon na parang tunay na ama kaya nga papa ang tawag nya.
At marami pa silang mga ginawang hindi maganda para sa buhay nila ng mga nakaraan pang taon.
Saktong napalingon ako sa bintana nang mapadaan ang pamilyar na bulto.
Lorianne Mae?
?_?
May pagmamadali akong sumunod para tingnan kung saan sya pupunta.
Napansin ko na parang may sinusundan din sya sa nasa harapan nya kaya agad kong tiningnan kung sinuman iyon.
S-Si Lyndon?
Pumunta sya doon sa dulong room. Napalunok ako dahil parang may nakabarang anuman sa lalamunan ko.
Damn, he's doing it again!
Kung maingat ang bawat galaw ni Lorianne Mae, mas maingat ang ginagawa kong pagsunod sakanya. Pinipili ko ring sa iba itutok ang paningin ko. Alam ko kung gaano katalas ang pakiramdam nya lalo na kapag may nakatingin sakanya.
Umakyat sila sa second floor.
Sabi ko na nga ba!
Nakarinig ako ng mga tawanan sa dulong room. Nasa tapat ng dulong room si Lyndon. Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap si Lorianne Mae.
*Blag!
Malakas ang pagka-tunog ng nasirang pinto nang malakas itong sipain ni Lyndon.
Nahagip ng paningin ko si Lorianne Mae na nasa kabila lang na room at tila sinisilip ang mga nangyayari sa kabila gamit ang isang maliit na butas sa pader.
Nakita ko rin ang pagbabago ng facial expression nya.
Fuck! Did I just saw her... tensed and worried?
She's emotionless, right? Kumurap ako para makasigurado pero seryoso lang ang mukha nya nang tingnan ko ulit.
Imagination ko lang ba yon?
Akma syang tatayo at lalabas nang humarang na ako sa pintuan. Bumangga sya saakin na alam kong deep inside her ay ikinagulat nya.
Agad kong hinawakan ang kamay nya at tinakpan ang bibig nya."Shh..." Pagpapatahimik ko sakanya. "Hayaan mo yan... Lorianne Mae, let them know their Master"
Pinigilan ko ulit yung kamay nya nang pumalag sya at mukhang balak puntahan si Lyndon nang makarinig kami ng sigawan.
"Ah!"
"Yah!"
"A-ah..."
*blag!
"S-shit"
*blag!
"Hah!"
"F*ck! Ah!"
Maya-maya rin ay tumahimik na ang lahat.
Tapos na...
Sinenyasan ko sya para silipin sa kabila. Sumunod sya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magugulat din nang makakita ako ng bahagyang gulat sa mukha nya.
Sh*t! She's...she's showing emotion! Yeah! I think, I'm not just hallucinating or imaging this time! It's true! It's true!
Parang gusto kong magsisigaw sa saya. Mabilis ding naglaho yung emosyon nya. But still...
I can't believe this...
"Come on," I mouthed. Hinawakan ko sya sa braso saka sya hinila pababa.
Siguradong marami na syang alam saamin, I'm very sure of that. Pero alam ko ring hindi lahat ay alam nya.
Nang makalabas kami sa building ay di ko na napigilan ang sarili ko... niyakap ko sya...
"Please... please ipakita mo sakin kung anumang nararamdaman mo sa ngayon," nang bumitaw ako ay sinalubong lang ako ng walang emosyon nyang muka. Pilit ko syang nginitian. "I'll tell you some secrets, come."
Gusto ko na syang bumalik sa dati. Miss ko na ang dating SYA at nagi-guilty ako.
*****
LOC:
Thanks and hello sa mga nagbabasa:)
Greetings to:
Athea Lobo, Ivy Baccani, Kristine Jane Tito, Dionara Mendoza, Lysander Alinea, Kent Harvey Roberto, and of course Franreza Valenzuela.
Miss you par! *wink
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Novela Juvenil"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^