CHAPTER 14.5: Nutriton Month Celebration (Part 2)
MAE'S POV.
"Ano bang ginagawa mo dyan!? Wag kang tumanga! Ih! Ano kaba naman!?"sigaw ng maingay na nilalang na nag-ngangalan na Sky.
So, napasubo na dito si Raven. Ibig sabihin, nagdadahilan lang pala sya kaninang sumasakit ang tiyan?
Bwisit na nagpalsak si Raven ng earphones. Nilingon ko si Jireh na bahagyan nakangiti.
Why?
Nung tingnan ko ulit si Raven dahil lalong lumakas ang sigawan ay nakita kong kinakain nya na ang ampalaya. Naubos nya na pala ang itlog at mga kamatis.
Ang bilis nya bang kumain o di ko lang talaga napansin dahil busy ako sa pagtitig?--- pagtingin pala. Nakatingin lang ako kay Ji at hindi nakatitig.
Lima nalang silang natitira dahil yung dalawa ay mangiyak-ngiyak na matapos kagatin yung siling labuyo. Nag-back-out na ang mga ito at kasalukuyang nagmumumog at naghihilamos na akala mo ay galing sa disyerto.
Naubos na ni Raven ang mga ampalaya. Tumitig lang sya sa mga sili.
Dalawa ulit ang nag-back-out. Yung isa ay tatlong sili na ang nakakain at yung isa naman ay nakadalawa pero di na nila kinaya pa.
"Woohh!!" Sigaw ng isang kasali na tulad ng dalawa pa ay mangiyak-ngiyak na rin. "Hanghaaannggg!"
"Subukan mo, kapag natalo ka, break na tayo!" Rinig kong irit ng isang babae sa lalaking magbaback out na sana.
Hinawakan na ni Raven ang isang sili. Maraming babae sa paligid ang naghanda ng mga iinumin kung sakali ni Raven.
Dahan-dahan nyang inilapit sa bibig nya ang sili at dahan-dagan lang din ang pagkakakagat nya.
Medyo nanliit ang mata mo dahil iniimagine ko na ako yung kumagat sa sili.
Hinintay ko ang reaksyon nya. Hinintay kong magluha ang mata nya, mamula ang mukha nya o bigla syang tumakbo pero hindi yon nangyari.
Parang tumigil ang oras.
Nanahimik ang mga estudyante na kanina ay makabasag eardrums ang pagchi-cheer. Para bang lahat kami ay naghihintay sa susunod na gagawin ni Raven. Pati yung mga nagtatambol na nagchicheer napahinto rin.
Napatango-tango si Raven at muling kumagat sa sili.
Nagsigawan ulit at lalo nang umingay.
Tuloy-tuloy na yung pagkain nya ngayon na parang hindi sili yung kinakain nya.
Wews.
"Eto na! Nilabas nya na! Yuhuuu!!! Sabi ko na nga ba tama ako eh!" Sigaw uli ni Sky.
Eh? Alam nyang magaling talagang kumain si Raven ng sili? Kaya pala ang lakas ng loob nya kaninang magturô.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^