CHAPTER 39: Visitors

22 0 0
                                    


             LYNDON'S POV.

DOWN NA DOWN yung pakiramdam ko ngayong Lunes. Hindi kasi pumasok si Mae. Naka-excuse daw sabi nung adviser namin pero hindi n'ya sinabi kung bakit.

Uwian na at parang wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa parking lot. Wala akong ganang tumambay sa Music Room kasama ang mga kaibigan ko dahil wala naman dun si Mae. Akala ko pa naman ay makikita at makakasama ko s'ya ngayon, pero hindi.

Ang hirap talagang umasa no? Masakit. Huhuhu... awcchuuu!

"Class do you know the history of the Round table?" Tanong ng English teacher namin. Nakapangalumbaba lang akong nakatingin doon.

Nagtaas ng kamay ang lalaking nasa harapan ko. Hindi lahat ng classmates ko ay kilala ko na pero etong si Harlie, kilalang-kilala ko to dahil maloko rin.

"Yes, Mr. Carnon, any idea?"

"Yes ma'am!" Proud pa syang tumango at tumayo. Nagsisimula nang maghagikgikan ang iba naming kaklase.

"Okay."

"I have a poor friend and his name is Richard. One day, I visit him to their little house then I saw his carpenter father doing something using nails, woods, and a hammer. Then I watched him."

"So?" Kunot-noong tanong ni ma'am.

"I saw his father, created a round table! And that's the history of the round table." Saka na sya umupo.

Nanahimik ang lahat saka bigkang nagtawanan ng malakas. Maliban saakin.

Sabi nila maloko daw si Harlie? Hindi naman ah! Totoo ang sinabi nya at nakakamangha pala talaga ang history ng round table!

"TIMANG, bat ganyan mukha mo?" nasa harap ko pala sila at nasa tabi na sila ng kanya-kanya nilang sasakyan. Si Sky naman ay nasa harap ng bagong-bagong Ducati ni Guiller. "Huy! Ano na!?"

"Bat di kayo tumambay sa Music Room? Uuwi na rin kayo?" Sa halip ay sabi ko.

"Duh. Tara. Kanina pa kita hinihintay. Angkas ka nalang saaking bagong baby Ducati." Tss. Feelingero. Anong saaking bagong baby Ducati? Kay Guiller to eh. "Kitakits nalang tayo doon mga brotherhood!" Aniya kila Guiller, Raven at Jireh na nangakasakay rin sa kani-kanilang kotse pero syempre, may nakasunod pa kila Raven na mga bodyguards n'ya. Imba talaga oh. Hindi rin sila ang nagda-drive dahil wala pa nga kaming lisensya. Ibig sabihin, malayo ang pupuntahan dahil hindi sila ang nagda-drive at baka mahuli?

Pero bakit 'tong si Sky ang magda-drive?

Nagsialis na sila pero naiwan kaming dalawa. Nakatayo lang ako sa harapan nya. "Alam ko kung gaano ako kagwapo pero hindi ko in-expect na pati ikaw, matutulala saakin, pre. Di tayo talo, okay?"

"Ulol!" Pabiro ko s'yang sinuntok sa braso. "Saan nga tayo pupunta? Bat kailangan kasama pa ako?"

"Sige, wag kang sumama. 'Di mo naman sinabi na ayaw mong puntahan si Mae, animales na 'to!" Nagsuot na s'ya ng helmet pero bigla kong hinila ang jacket n'yang suot. Trip neto? Nasa'n ang snow?

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon