RAVEN'S POV.SANA naman ay nagkakamali lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nalaman kong totoo nga ang hinala ko. God. Sorry po sa ginawa ko.
Pasimple kong binuksan ang locker ni Mae kanina habang walang mga tao sa paligid ng locker room nila. Kumuha ako ng isa nyang notebook atsaka na umalis.
Hindi ako 'to. Hindi naman talaga ako sanay na nangunguha ng pagmamay-ari ng iba.
Kaya nga pinabayaan ko nalang noon yung nararamdaman ko sakanya dahil hindi ako ang tipong nang-aagaw.
Yeah, right. Humugot pa talaga ako.
Kinuha ko ulit yung sobre. Ito ang isa sa pinakamaling ginawa ng nagbigay ng sobre saakin---na naglalaman ng lyrics ng Only Hope--- ang isulat yung lyrics imbes na i-print nalang.
Kinuha ko rin ang notebook ni Mae. Binuksan ko yung notebook n'ya at pati na rin ang nakatuping papel sa sobre.
Pinagdikit ko ang dalawa saka ako napapikit. Mariing-mariin.
Parehong-pareho...
Sa nanginginig na kamay ay nagawa ko muling itabi ang mga iyon sa drawer ko. Ang nakasulat lang sa sobre ay : " There's a song that's inside of my soul. (HE's your ONLY HOPE)." Pero hindi na ako pwedeng magkamali pa.
Kaya pala palagi s'yang sumasama saamin kahit na alam kong badtrip s'ya kila Guiller. Kaya pala palagi ko s'yang nakikita. Kaya pala pakiramdam ko ay safe ako. Kaya pala gano'n nalang kung makatingin sya. Kaya pala...
Argh!
Hindi ba s'ya mapapahamak?
Ewan ko kung anong dapat kong isipin. Kung ang kaligtasan ko o ang sakanya. Ah, nababaliw na naman ako. Hindi maganda 'to. Dahil nung huling pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito, napaka-sakit ng naging kapalit no'n.
Sasabihin ko ba 'to sa kanila? Aaminin ko ba sakanya na alam ko na? Lalapitan ko ba s'ya? Kailangan ko ba s'yang layuan?
Wala na. Nawala na ako ng tuluyan sa katinuan. Wala bang alam si Jireh dito?
Nakita ko yung notebook na ibinalik nya saakin. Yung notebook ng mga tula na dala ko noong dalawin ko ang puntod ni mommy. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ako nagdadala ng kahit anumang notebook sa school kaya imposible na napulot n'ya 'to gaya ng sinabi nya.
Pinagtatakpan n'ya ang kaibigan n'ya. Pinagtatakpan n'ya lang si Mae.
Sa pagkakaalala ko, naiwala ko ang notebook ng mga tula ko sa sementeryo. At sino bang kasama ko doon maliban sa mga nagtangka sa buhay ko? ---Ang mga body guards ko at ang mga tumulong saakin. At kasama sa kanila si Mae!
.
.
.
.
.
MAE'S POV.KAHIT anong kalkal ko sa notebook at mga gamit ko ay hindi ko makita ang notebook ko sa Science.
Kinuha ko na lahat ng notebooks ko sa locker kanina at Wala nang natira doon liban sa P.E uniform ko at ilang ballpens.
Nilakasan ko pa ang aircon dahil pawisan na ako. Kinalkal ko na rin ang cabinet ko at drawers pero wala talaga.
Baka na-misplace ko lang? O kaya naman ay nailaglag sa kung saan?
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^