MAE'S POV.
Ang akala ko ay sasakay kami doon, binilinan nya lang pala ang driver na mamaya-maya pa sya uuwi.
Then, niyaya nya ako na pumunta sa coffee shop sa tapat. Tumawid lng kami sa pedestrian line at nakita ko nga ang tinutukoy nyang HQ coffee shop.
Pinagbuksan kami ng guard ng pinto. Hindi nya parin binibitawan ang kamay ko liban nalang nung ipinag-usog nya ako ng upuan.
Marami ring tao dito at maganda ang ambiance. Merong medyo mababang stage sa harapan kung saan may mga taong nakaupo sa tabi ng instruments at merong microphone sa gitna, para yata sa mga gustong mag performs.
"Waiter!" Tawag niya sa lalaking naka-color blue na shirt.
"Sir jireh!" Tuwang tuwa naman ito nang makita ang kasama ko. "Ano pong order nyo?" Tumingin din sya sakin ng matagal bago muling bumaling kay Ji.
"Dalawang Frappé" aniya.
Wow, naaalala nya pa pala ang favorite kong Frappé?
Sumaludo pa ang waiter bago umalis.
.
.
.
.
.
LYNDON'S POV"MAGSI -CR lang ako. Kapag may umalis dyan sa posisyon nyo, humanda sa'kin". Lalo akong napangiwi. Nangangalay na ako.
Jusko!
Kanina pa kami nakaluhod habang nakataas ang kamay naming may nakapatong na tig-lilimang librong makapal.
Child abuse to ah? Huhuhu...
Nang makita kong pumasok si Mrs. Pokemon sa CR na pambabae, agad kong inilapag ang libro saka tumayo.
Nanlaki ang mata ng mga kaklase ko. "Huy! Bumalik ka nga dito!" Mariing sabi ni Arjun, yung bakla na nakapwesto sa kabilang side ni Mae.
"Ayoko nga" mabilis kong kinuha ang bag ko na ang tangi lang laman ay hairwax at isang notebook.
Nagtatakbo na ako paalis kaya wala na syang nagawa pa.
Pumunta ako sa parking area at doon ko nga nakita ang mga hinahanap ko --- si Mae at Jireh!
Kausap ni Ji ang driver nya. Lumingon si Mae sa kinatatayuan ko kaya napaupo ako para magtago sa isang itim na sasakyan.
Nakita nya maya ako? Sana naman hindi, baka isipin nya pang stalker ako eh!
Pero....bat ko nga ba sila sinundan?
O_O
O__O
Anak ng teteng! Syempre ,wala lang...curious lang sa... FRIENSHIP DAW nila.
Dahan-dahan akong tumayo pero pagtingin ko sa direksyon nila kanina,wala na sila don.
"Nasan na pumunta yung-----"
"Hoy stalker!" Halos napatalon ako nang may humawak sa balikat ko. Napakapit tuloy ako sa kotseng nasa harapan ko. Agad iyong umilaw at nag-ingay.
Napatingin tuloy ang ilang mga estudyanteng dumadaan.
Bago pa kami sugurin ng mga tao at pagkaguluhan ay nagmamadali na akong tumakbo palabas ng gate.
![](https://img.wattpad.com/cover/147039362-288-k255608.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Jugendliteratur"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^