A/N: Dexter Ho --- Half-Filipino, Half-Vietnamese. Partner-agent of Princess Singh. 👆👆👆
PS: Photo is Mine. Yeah, mine, mine, MINE. Hàhaha.
MAE'S POV.
"WAG kang mag-alala, nai-excuse na kita sa teachers mo." Bungad agad ni Kuya Dexter pagkapasok ko palang sa office nya. Akalain mo yon, nakapasok sya dito sa Hillcon bilang teacher? Hindi ko nga lang alam kung papaano.
Malapit palang matapos ang recess ngayon. Kani-kanina ay nagulat pa ako nang bigla syang nagpadala ng signal na kailangan naming magkita.
May binigay sila saakin na dalawang parang hairpins na kapag daw pakiramdam ko ay gumagalaw iyon, ibig sabihin ay kailangan kong makipagkita sa kanila ni ate Princess.
"May nakuha na kaming lead," sagot ni ate Princess habang nakataas yung paa dun sa mesa.
"Ano? Paano?"
"Nangalap kami ng informations patungkol sa mga bagay, samahan, o tao na may initials na YJP,"tumingin sya kay kuya Dexter na parang sinasabi nyang ito na ang magpaliwanag saakin.
"So iyon nga, Mae. Yung ibang initials naman, parang mga ordinaryo lang tulad ng 'Young Jeiz Palace' sa Pampanga, yung 'Ywar Jungle Place' sa Cebu, yung artistang si Ythamar Jack Pablo at kung anu-ano pa.
Pero yung isang kasamahan namin na nagmamanman sa Black Assassins ay may sinabi---" huminto sya saka natigilan nang marinig ang bell "Tsh... paano ba yan? Pasukan na. Tulad ng sabi mo, pinapabantayan ko rin sina Guiller, Lyndon, Jireh at Skyler dahil bukod sa pwede silang gamitin ng nga nasa likod nito, alam mo namang kapag may mga ganitong pangyayari, suspect ang lahat." Tumango ako. "kita nalang ulit tayo mamaya," saka na sya umalis.Alam kong medyo parang lumalabas na wala akong tiwala sa samahan nila dahil naisip ko na rin minsan na baka isa sa kanila yung maaaring may gawa nito. Pero iba na yung purpose ko ngayon. Napatunayan na nila saakin kung gaano katotoo yung magkakaibigan nila. Kaya ang gusto ko... pabantayan sila para manatili silang ligtas.
"Ayon nga, may kasamahan kami na nakapasok sa 'Black Assassins' at nalaman nyang may bago daw silang member. Kaya daw ginustong mapasali ay dahil gusto nyang may katulong sa paghihiganti nya.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Jugendliteratur"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^