JS Prom

31 7 2
                                    

I am fully aware na hindi ako maganda kaya isa ako sa mga ayaw umattend ng JS Prom. Sino ba naman ang gustong umattend na gagastos ka pa sa isusuot tapos mahihiya ka lang kasi yung iba kumikislap sa ganda ikaw parang walis tambo na nagsuot ng dress.

At plus the fact na wala rin namang sasayaw sayo. Kung meron mang gusto sa kabila ng lahat ng iyon well, hindi ako kasali don.

Pero dahil sa mga kaibigan kong demonyo heto ako ngayon at mag-isang nakaupo habang sila masayang sumasayaw. Pumunta daw ako para ma-experience ko naman dahil minsan lang ang JS at isa pa performance din namin sa MAPEH.

Dahil bagot na bagot na ako at iritang-irita sa suot ko ay nilabas ko nalang ang phone ko para mag-Wattpad. Nasa kalagitnaan na ako sa binabasa ko nang may mag message sa akin. Unknown.

092233.....
Alam mo kasing walang magsasayaw sayo pumunta ka pa rin. Yan tuloy mag-isa kang nakaupo jan.

Aba sino naman to? Pano naman nito nakuha number ko?

092233.....
Uwi ka nalang

Dahil may load naman ako at gusto ko na talagang patulan ito nireplyan ko na.

To 092233.....
Mauna ka kung gusto mo at pwede ba pakidelete number ko, bihira ako magload kaya di rin kita marereplyan kapag gusto mo ng kausap.

Bumalik na lang ako sa pagbabasa nang ilang sandali ay napansin kong may tao sa harapan ko.

"Maaari ba kitang maisayaw?"

Tumaas ang kanang kilay ko sa aking narinig. Panigurado na naman kasi na pagtitripan na naman ako nitong si Edison.

"Ano na namang gusto mo?" mataray na saad ko sa kanya. Ang baliw ngumiti na naman ng nakakaloko.

"Ikaw." inirapan ko siya.

"Gusto kitang isayaw, Ashlie." dagdag niya sabay ngumiti.

"Yung totoo, Edison. Ano nga?" Sigurado akong hindi talaga seryoso to.

"Gusto nga kitang isayaw. Gusto kong ikaw ang first dance ko sa prom. Ano game ka?" seryoso ba talaga siya?

"Seryoso yan Edison ha, hindi yan echos?" umiling siya. "Hindi talaga echoss?" muli siyang umiling.

"Sabi mo yan yiii." dahil marupok ako pumayag na ako. Malay ko ba kung siya lang magtatangkang umaya sa akin tatanggi pa ba ako?

Magsisimula na kaming sumayaw nang bitawan niya ang mga kamay ko. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Sabi ni Tito dapat daw ikaw ang first dance ko at ako rin ang first dance mo dito pero Ashlie tae mo naman. Si Nicky gusto kong isayaw hindi ikaw kaya bye insan good luck na lang sa paghihintay ng sasayaw sayo kung meron man." at yon, iniwan akong mag-isa ng demonyo kong pinsan.

"Bwisit ka Edison hindi sana pumayag si Nicky!"

"Love you too insan!" ang walang hiya humalo na sa mga ibang student kaya di ko na siya nakita. Bumalik na lang ako sa upuan ko kanina.

Muling nag-message yung nagtext sakin kanina.

092233.....
Saklap naman non

Tinago ko nalang ulit ang phone ko at pinanood ang mga nagsasayaw hanggang sa may lumapit sa aking lalaki.

"Ashlie sayaw tayo." nakangiting alok ni Stephen.

Kapag ako talaga niloloko nito. Sumama na ako kahit hindi ako siguro kung seryoso ba itong si Stephen.

Tulad ng pinsan kong si Edison loko-loko din kasi ito. Actually katabi ko siya sa klase kaya medyo close din kami.

Segundo nalang upang magsimula kami nang natatawa siyang umatras at parang may tinanguan sa likuran ko. Okay, here we go again.

"May nakalimutan ako Ashlie, sorry." nginitian ko nalang siya.

Pabalik na ako sa upuan ko nang biglang may humila sa braso ko.

"Let me.."

Medyo nag-udjust pa ako kasi seryoso?! Si Xion talaga? Isa siya sa pinakatahimik sa klase namin pero kahit ganon magaling din naman siya at of all people isa siya sa hinding hindi ko maiisip man lang na ayain akong sumayaw.

"Natameme ka? Sa pagkakaalam ko ako ang tahimik na tao dito hindi ikaw." kinuha niya ang mga kamay ko at pinusisyon ang mga ito para sa pagsayaw namin.

"Xion, kung niloloko mo lang ako o may nakalimutan kang gawin you're free to go. Wala rin akong balak na sumayaw." I was about to go nang bigla niya akong hilahin dahilan upang magkalapit kami ng as in sobrang lapit.

Gosh nararamdaman kong sobrang init na ng pisngi ko sa mga oras na ito. Sana nga lang hindi namumula. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko na sana hindi niya naririnig.

Magsisimula na sana kaming sumayaw nang kinuha niya ang cellphone niya sapagkat may tumawag sa kanya. Tumalikod siya at kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makaalis.

Medyo nakalayo palang ako nang may nareceive akong text. From doon ulit sa kanina. Ok here we go again aasarin na naman ako nito.

092233.....
Bat ka umalis? Sinagot ko lang yung tumawag pero hindi ibig sabihin non na gagaya ako sa mga unang lalaki na nag-alok sayo ng sayaw.

Agad akong napalingon kay Xion. Nakahawak siya sa phone niya habang nakangiti. Dahan dahan siyang lumapit sa akin.

"Ikaw yon?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ba halata?" muli niyang kinuha ang mga kamay ko at pinusisyong muli.

"Pano mo nakuha number ko?"

"Kung gusto maraming paraan, Ashlie. Matagal na kitang gusto pero ako lang naman ang di mo napapansin."

Oh gosh. Nagwawala ang mga laman-loob ko.

Buong sayaw nahihiya akong tumingin sa kanya kaya sa iba ako nakatingin subalit di ko rin maiwasang mapasulyap sa kanya na nagiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso sapagkat sa lahat ng pagkakataong titingin ako sa kanya ay nakatingin din siya sakin kaya agad akong iiwas.

Nang matatapos na ang sayaw ay nilapit niya ang ulo niya sa tainga ko.

"Salamat dahil ako ang first dance mo sa kabila ng maraming lalaki na gusto kang isayaw."

"Huh?"

May mga tinuro siya at nang lilingon na ako para tignan ang mga tinuro niya ay agad niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at nilapit ang mukha sa aking mukha.

"'Wag kang titingin sa iba, sa akin lang. Ashlie, seloso ako, sobra."


: (σ≧▽≦)σ

wala kayong prom diba? sanaol ka nalang

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon