Bawat isa ay abala sa kanya-kanyang ginagawa dahil sa impormasyong dinala ni Zeile mula sa misyon niya. Lahat ay naghahanda sa mangyayaring pagsugod na magaganap bukas ng gabi.
Ang plano, lahat magbabantay sa head quarters at huhulihin ang mga magtutungo rito bukas. Walang papatay, tanging paralyzed lang ang mangyayari.
Sinabi ni Zeile na nakalap niya ito sa isang nakaengkwentro niya ngunit ang pinagtataka ko ay hindi sila basta-basta nagsasabi ng mga ganitong impormasyon. Mas pinipili nilang kitilin ang sariling buhay kaysa magsalita. Kapansin pansin din na wala sa sarili si Zeile mula nang makabalik siya galing sa misyon niya.
Lima kaming napili na manguna sa operasyon bukas. Ako, si Zeile, Jackie, Raver at Alex. Kung ihahambing sa classroom, kami ang top 5. At sa limang yan tatlo ang babae, Women Power!
"Hya, kailangan ka sa loob madali." tumango ako dito at agad nagtungo sa meeting room.
"Gaya nga ng sabi ni Zeile marami ang taong bantay sa transakyon na magaganap mamayang gabi. Bagaman importante ang tungkulin na gagampanan niyo bukas dito, sa inyong lima ko rin ipagkakatiwala ang operasyon na ito. Nais kong pigilan niyo ito, sasamahan niyo ang ilang alagad ng batas na naatasan dito. Naniniwala ako sa kakayahan ninyo, umalis kayo ng lima babalik na lima." nagpaalam kami sa kanya at naghanda ng mga kagamitang gagamitin namin.
"Zeile, anong ginawa mo para mapagsalita 'yon? Hindi birong impormasyon ang mga nalaman mo." matino na siya kumpara kanina, siguro naman magkwekwento na siya.
Humarap siya sa amin matapos itali ang kanyang buhok. "Hindi ko siya pinilit na sabihin sa akin ang mga impormasyon na iyon, siya pa nga ang kusang nagbanggit kahit hindi ko naman tinatanong. Inakala niya pang ako ang asawa niya."
"Baka asawa mo talaga siya." pang-aasar ni Jackie na handa nang sumabak para mamaya.
"Hindi ko nga siya kilala." sagot ni Zeile na katatapos lang isuot ang sapatos.
Dumating kami sa sea port na walang katao-tao. Ilang minuto na lang bago mag alas-dyis. Kahit ang mga pulis wala pa.
"Baka iniba nila ang lugar dahil nalaman mo." sumang-ayon kami sa sinabi ni Alex. Bakit nga ba nila itutuloy kung may nakaalam na. Isa pa kahinahinala rin na basta nalang ito sinabi kay Zeile.
"Umalis nalang tayo." aktong tatayo si Jackie nang pigilan siya ni Raver.
"May paparating." bulong niya, hinanap namin ang sinasabi niya at nakita namin ang tatlong malalaking track, isang Van at mga lalaking nakasakay sa kanya kanyang kabayo.
"May mga bago, mas marami na sila ngayon, walang van kanina." saad ni Zeile.
Nagsenyasan kami kung ano ang gagawin ng bawat isa. Si Jackie sa unang truck, si Alex sa pangalawa, si Zeile sa pangatlo, si Raver sa mga lalaking nakasakay sa kabayo at ang van ang sa akin. Sa signal ni Alex naghiwalay na kami.
Mabilis ngunit maingat akong lumapit sa van. Nilabas ko ang aking baril at inihanda sa pagputok.
Nagtago ako sa likod ng isang kotse nang bumukas ang pinto ng van. Nagtago ako sa ilalim nito, pinagmasdan ang mga paang lumalabas mula sa van. Anim na lalaki ang lumabas mula dito at agad akong nakaramdam ng kaba nang mapansin kong ang isa sa kanila ay patungo sa kinaroroonan ko. Hindi niya naman siguro ako nakita hindi ba? Tumigil siya sa gilid ng sasakyan sa tapat ng pinto nito.
Naalarma ako nang pumasok siya dito at nagsimulang mabuhay ang makina ng sasakyan. Nagmadali akong gumulong patagilid upang makaalis sa ilalim ng sasakyan. Aktong tatayo na ako nang bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa akin ang lalaking nagpaandar nito. Sa isang iglap nasa loob na ako ng sasakyan katabi niya. Hindi ko man lang namalayan na naisakay na niya ako. He's fast!
"You'll come with me." nakaramdam ako ng pagkahilo sunod ay ang pagbaba ng talukap ng mga mata ko.
Pagmulat ko ng mga mata ko nasa hindi ako pamilyar na kwarto. Napansin kong nasa kama din ako.
Paglingon ko sa kanan nakita ko ang lalaking nagpaandar ng sasakyan na nakatayo at nakacross ang braso habang nakatingin sa akin. Agad kong niyakap ang katawan ko at tinignan kung suot ko ang damit ko kanina.
Nagtaka siya sa ginawa ko at kalaunan ay natawa na tila ba may nalaman.
"Hindi kita ginalaw." saad niya na may itsurang dapat paniwalaan ko siya.
"May sinabi ba ako?"
Itinagilid niya ang kanyang ulo na tila ba kinikilatis ako. "Wala ba?"
Kinapa ko ang mga baril sa katawan ko ngunit wala akong makapa.
"Hiniram ko muna, hindi maganda sa isang babae na humahawak ng mga baril. Mas maganda pa ring walis ang hawak mo." napairap ako sa sinabi niya.
"Nasa 21st century ka na and you still believe in those? Hindi na uso 'yon. Give me back my guns." tumayo na ako sa kama at nagsimulang humakbang palapit sa kanya.
"Woman don't come near me, magsisisi ka." tinignan niya ako ng tila sinasabing malaking kasalanan ang pagtuloy ko.
Tumigil ako nang isang metro na lang ang pagitan namin.
"You're too close woman, aren't you scared of me?" nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran.
"Ikaw Mr., hindi ka ba natatakot sa akin? I may be a woman in your eyes but you shouldn't live with your old woman beliefs and traditions when you're with me. Hindi ako ang pinoprotektahan, ako ang pumoprotekta. 'Wag mo akong maliitin, magsisisi ka." balik ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang adams apple na gumalaw, napalunok amp.
"Bakit mo ako dinala dito?" seryosong tanong ko na hindi inaalis ang atensyon sa kanya.
"Para ilayo ka sa mga lumilipad na bala."
"Lumilipad na bala, hmm?" mabagal akong humakbang palapit sa kanya.
"For you to be safe." seryoso nitong sagot. Why would he want me to be safe? Is this some sort of mind controlling? Kukunin niya ang loob ko pagkatapos ay aatake? Hindi mo ako maloloko.
"Safe? I can protect myself, I have my guns with me all the time. Pwera nalang kung may asungot na kukuha nito."
"I don't want you to hold any kind of gun, it's dangerous for you. Guns can take you away from me again. "
Natigil ako sa paghakbang sa sinabi niya at tanging pagtitig sa kanyang kulay-kapeng mata ang tanging nagawa ko. Guns can take me away from you AGAIN?
Tumikhim siya dahilan upang matauhan ako.
"Hya, the war is probably done by now. I think we should go back. You're safe now."