Pinsan

51 4 4
                                    

Nabigla ako nang bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa bahay at nagpapakilalang pinsan ko daw.

Noong una natuwa ako sa kanya dahil gwapo naman siya at mukhang mabait. Pero totoo pala yung 'Looks can be deceiving.' Napakasama pala ng ugali.




Nagbabasa ako sa kwarto ko nang tinawag ako ni mama. Akong masunuring anak sumunod naman.

Sinabihan niya ako na maglinis ng buong bahay even ng sarili ko dahil may darating daw na pamangkin niya which is pinsan ko base sa calculations ko.

Kahit tamad na tamad naglinis pa rin ako. Nakakahiya naman sa bisitang inabala pa ang pagbabasa ko.

At dahil sa laki ng bahay pinagpawisan ako ng todo at kinailangan na talagang maligo.

At dahil nga sobrang bait kong bata sinamahan ko si mama na i-welcome ang pamangkin niya.

Sa unang pagkakataon na tumama ang paningin ko sa kanya agad akong nakaramdam ng kakaiba. Na-attract ako sa pinsan ko lang naman. Medyo natulala pa ako ng kaunti pero buti na lamang napansin ko kaya agad kong binaling sa iba ang atensyon ko.

"Hello po tita, sabi po ni Papa dito muna ako habang hindi pa sila nakakabalik ni mama galing business trip." nagmano siya kay mama. Ehem ehem maginoo.

"Kahit kailan talaga, malaki ka na pero ayaw ka pa rin iwang mag-isa ng mga magulang mo. Baka kasi matigas pa rin ang ulo mo." Pagbibiro ni Mama na dahilan kung bakit nasilayan ko ang pagngiti niya.

Nabaling sa akin ang atensyon niya habang nakatingin ako sa kanya kaya nagkatinginan kami.

"Tita may anak ka palang maganda bakit hindi mo naman sinabi sa akin." tumawa siya. Ngumiti na lang ako para hindi awkward. Ehem ehem honest.

Inatasan ako ni mama na ako na daw ang magturo sa kanya ng magiging kwarto niya. Sa paglalakad namin walang nagsasalita pero hinayaan ko nalang.

Nang nasabi ko na sa kanya ang mga dapat kong sabihin ay nasa aktong palabas na ako nang tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.

"Alam ko pangalan mo di mo ba tatanungin pangalan ko?" tinignan ko lang siya.

"Ford nalang itawag mo sa akin." kasabay niya itong sabihin ay walang pakundangang humiga na siya sa kama. Aktong palabas na naman ako nang tinawag niya ako.

"Eden! 'Wag kang papasok sa kwarto ko ng wala akong permiso." tumango na lang ako pagkatapos ay lumabas. Hindi ko na inabala pang isipin ang pagiging seryoso niya kanina nang sinabi niyang wag akong papasok.

Hapunan na at adobo ang ulam namin. Kukuha palang ako ng ulam ko nang naglagay siya ng dalawang hiwa ng manok sa plato ko.

Bilang sukli sa ginawa niya ngumiti nalang ako.

Sa totoo lang hindi ko pinansin yon pero kinabukasan, linggo, naulit na naman. Sa Pag-iisip na talagang napalaki lang siya na mabait hinayaan ko nalang.

Pagdating ng lunes panibagong gulat na naman ang sumalubong sa akin.

" Just call me Ford. Hope to have a nice stay here."

Laglag panga talaga ako. Ka-batch ko pala tong lalaking ito?

Pero buti di tulad ng mga napapanood at nababasa ko, sa malayong upuan sa akin siya umupo. Kahit papano nakahinga ako.

Lumingon ako sa kanya at kinindatan niya lang naman ako habang napakaraming pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Agad akong lumingon palayo.

Hindi natapos ang araw na ito na hindi ako natanong kung anong relasyon ko kay Ford. Ilang beses kong nasabi ang katagang 'pinsan' ngayong araw.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon