Too High

9 4 0
                                    


Zel: (○゚ε゚○)

Dedicated to a friend named Xev. Hey bb here's my promise hihi hope you like it labyu mwuah!

Xev and Rios from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's characters. They are different persons.

---

Mula pagkabata ay mulat na ako sa hirap ng buhay.

Ngunit kahit ganito, siniguro ng mga magulang namin na makakain kami ng tatlong beses sa isang araw, mabigay ang mga pangangailangan namin at higit sa lahat ay mapuno kami ng pagmamahal.

Pinalaki kami ng kapatid kong makontento sa kung anong mayroon kami. Matuwa sa maliliit na bagay lalo kung pinaghirapan para sa amin.

At kahit kailan, hindi man lang pumasok sa isipan kong makakatagpo ako ng taong sobrang layo sa kung ano ako.

Hindi ko inakalang magkakaroon ako ng boyfriend na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya dito sa amin.
Mayroon na rin siyang business sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Kung yaman nalang ang pag-uusapan, si Rios na talaga.

Subalit lagi ko siyang sinasabihan na huwag na huwag niya akong bibigyan ng mamahaling regalo, dadalhin sa mamahaling restaurant at kung anong involve ang malaking halaga ng pera. Naiintindihan niya ito ngunit minsan, lalo kapag may mahalagang okasyon ay dinadala niya ako sa mga mamahaling restaurant. Wala na lang akong magawa kundi pumayag dahil masasayang ang effort niya, na sobra kong naappreciate.

Ngunit hindi mawawala ang mga taong hinuhusgahan at minamaliit ako. Hindi ko sila masisisi. Sino nga bang mag-aakala na ang isang gaya ko ay magkakatagpo ang landas sa isang napakataas na taong gaya niya.

Ngunit sa lahat ng humuhusga sa akin, mas naaapektohan ako sa sariling pamilya ni Rios. Una pa lamang ay hindi na sila pabor sa akin. Na pera lang ang habol ko kay Rios.

At sa lahat ng panglalait na naranasan ko, hindi nawala si Rios sa tabi ko para ipagtanggol at protektahan ako.

"Hey babe, tulala ka na naman."

"Paano kung hanggang dulo hindi ako matanggap ng pamilya mo. Anong mangyayari sa atin?" napabuntong hininga siya bago mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko at deretsong tumingin sa aking mga mata.

"Xev, matatanggap ka nila. At kung hindi man I don't care. As long as we both love each other walang magiging problema. Hindi natin kailangan ng opinyon ng ibang tao." napangiti ako sa sinabi niya ngunit hindi pa rin nawala ang pangambang nararamdaman ko.

Natatakot ako.

"You look wonderful tonight." nakangiti at nagniningning ang mga matang papuri ni Rios sa akin nang maiparada niya ang kanyang kotse.

"Ilang beses mo nang sinabi sa akin 'yan ngayong gabi." tinanggal niya ang seatbelt ko. Tinignan ko siya na tila sinasabing 'kaya ko naman'.

"Well, hindi ako magsasawang magsabi ng totoo." ngumiti ako pagkatapos ay napabuntong hininga.

"Dapat pa ba akong tumuloy?"

Kumunot ang noo niya. "Of course! You know Xev, let's go. Excited na akong ipapakilala ka sa bawat tao sa loob."

"Pero--"

"'Wag mong pansinin ang sinasabi ng iba, ang mahalaga mahal natin ang isa't isa." seryoso nitong saad habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Kasunod ay hinalikan ang noo ko.

Tumango ako at lumabas na sa kotse.

It's her mother's birthday. Siya lang naman ang excited na pumunta ako. Alam kong ayaw nilang makita ako lalo ang mama niya sa importanteng araw na ito sa kanya.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon