The New Building

20 3 0
                                    

Halloween Special 🕷🕸

NOTE: ≧∇≦

Caleb from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's character named Caleb. They are different persons.

Sinubukan ko lang gumawa sana magustuhan niyo. First time ko kaya pagpansensiyahan na haha

---

Halos lahat kami excited nang sinabi sa amin bago ang sembreak na kapag bumalik daw kami galing sa sembreak ay baka lumipat na kami sa bagong gawang building.

Nang pumasok na kami ay tama nga ang sinabi nila na sa bagong building na kami magro-room.

Ngunit sa unang apak ko sa building na ito hanggang sa 3rd floor kung saan ang room namin ay nakaramdam talaga ako ng kakaiba.

Parang may nagmamatyag sa amin na kahit anong lingon ko ay wala naman at pakiramdam na hindi ko maipaliwanag ngunit nagdadala ng mabigat na pakiramdam sa akin. Hindi ko alam kung nararamdaman din ito ng ibang estudyante.

Napili naming magkakaibigan na maupo sa gilid ng classroom. Naupo ako sa pinaka gilid katabi ng bintana. At dahil ang building na ito ay nakatayo sa mataas na parte ay malaya kong nakikita ang buong school.

Hindi ko alam pero hindi talaga ako makapagconcentrate dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin at ano mang oras ay biglang may hahawak sa akin. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko.

Nang tumingin ako sa teacher namin na nagdidiscuss sa harapan ay muntik na akong mapasigaw nang makakita ako ng isang lalaking nakauniform ng tulad sa amin ngunit may bahid siya ng mga lupa na tila ba tinabunan siya at mapapansin din ang sugatan at duguang katawan niya. At ang mas nakapag pakilabot sa akin ay nakatingin siya sa akin. Sigurado akong sa akin siya nakatingin.

Mas kinabahan ako nang papalapit siya ngunit hindi sa paglalakad kundi siya'y lumulutang.

Nang konti nalang ang distance namin ay yumuko ako sa mesa ko ngunit kahit hindi ko na siya nakikita ay ramdam ko pa rin ang takot ko.

Sobra akong nilalamig at nagtitindigan na lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang pakiramdam ko may humahawak sa batok ko.

Napasigaw ako nang may humawak sa balikat ko dahilan upang mapatingin sa akin ang buong klase.

Nang tingnan ko ang balikat ko ay ang kaibigan ko pala ang humawak sa akin.

"May problema ba, Allina?" tanong ng teacher namin.

"W-Wala po." nauutal na sagot ko. Baka pagtawan lang nila ako kapag sinabi ko ang tungkol sa lalaking nakita ko.

"Huy, pawis na pawis ka. Okay ka lang?" tanong ng kaibigan ko. Halatang nag-aalala siya.

Lumingon ako sa paligid ngunit hindi ko na makita ang lalaki na siyang nakapag pagaan ng pakiramdam ko kahit papaano.

"Thea 'wag mo akong tatawanan." tumango siya.

"May nakita kasi akong lalaki kanina na may bahid ng mga lupa sa katawan at puro sugat ang katawan, duguan din siya. Tapos nakatingin siya sa akin kanina. Yumuko ako nang palapit na siya dito." agad niya akong hinampas.

"Allina naman 'wag ka namang nananakot ng ganyan." natatakot na sabi niya na lumilingon na rin sa paligid.

"Hindi ako nagbibiro totoo talaga. Napasigaw ako kasi akala ko siya yung humawak sa akin."

---

May mga pagkakataon pa na naaabutan namin ang room namin na nangangalingasaw sa masangsang at malansang amoy. Minsan may mga parang dugo na tumalsik at tumulo sa iba't ibang parte ng classroom. Amoy at itsurang dugo pero imposible naman na magkaroon ng dugo doon. Sinasabi namin sa mga teacher pero sabi nila baka pintura lang at ang masangsang na amoy ay galing sa gilid ng building na bundok dahil bagong gawa lang ang building.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon