NOTE: (๑•́ ₃ •̀๑)Caleb and Kleah from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's characters named Caleb and Kleah. They are different persons.
---
"Gusto mong sumama mamaya? May babae."
"Pass." hinablot ni Kuya ang librong hawak ko dahilan para tignan ko siya.
Bahagya niyang binuklat ito at halatang hindi interesado sa nilalaman ng libro, agad niya itong sinara at ibinalik ang tingin sa akin.
"Kung hindi kita kapatid iisipin kong lalaki ang hanap mo. Bro panahon na para magpapasok ka ng babae sa buhay mo." humiga ako sa sofa.
"Mabubuhay ako ng walang babae sa buhay ko." binato niya sa akin ang librong kinuha niya sa akin kanina habang marahang tumatawa.
"Sumama ka mamaya kasama mga kaibigan ko hindi boring don."
"Pag-iisipan ko."
--
"Sax buti napasama mo si Yuan." sabi ni Caleb na nakangisi pagkatapos ay ininom ang alak na inabot ni Kiosk.
"Hindi ko sinabing sa bar ang punta. Kapag sinabi ko hindi talaga sasama yan." nagtawanan sila wtf?
"Nasa labas na daw sila." singit ni Eros sa pagitan ng tawanan nila dahilan para tumigil sila at tumingin sa direksyon ng entrance.
Alam ko na kung sinong tinutukoy ni Eros. Mas pinili ko nalang sumandal sa upuan at pumikit.
Wala pang isang minuto naramdaman kong may mga umupo sa mga upuan ngunit nanatili akong nakapikit.
"Sorry we're late." boses ng babae.
"Nah, masyado lang kaming maaga." si Jackolle.
Bigla akong napamulat nang may sumiko sa akin. "Yuan, hindi tulugan ang bar." siniko ko rin si kuya pabalik.
"Alam ko."
Sinulyapan ko ang mga babaeng nasa kabilang mesa. Natigil ang paglipat ng paningin ko sa isang babaeng naiiba sa mga kasama niya. Simple lang ang ayos niya hindi katulad ng mga kasama niya na halos magmukha ng clown. She looks so innocent.
"Baka matunaw si Kleah." natauhan ako nang bulungan ako ni Killian. Hindi ko napansing natulala na pala ako sa kanya, kay Kleah, kung tama ang pagkakarinig ko ng pangalan niya.
Tumagal pa ang pananatili namin sa bar na puro pag-uusap nila tungkol sa iba't ibang bagay.
"Why don't we play a game?" pag-agaw ni Kuya ng atensyon namin. Kahit mga babae kanina na mukhang bagot na bagot na ay nabuyahan.
"What kind of game?" Tanong ni Azure, isa sa mga dumating na babae. Kung hindi ako nagkakamali siya ang katawag ni Eros kanina.
"Isusulat sa maliit na papel ang pangalan naming mga lalaki. Kayong mga babae, kung sino ang mabunot niyo, magiging kayo in 3 days. Ano game? 3 days lang naman."
"Sax, it's a childish game come on who would want to play that silly game. Playing feelings? Not fun." pagtutol ni Killian. Kahit ako hindi sang-ayon.
"Killian ang kj mo. It's just for fucking 3 days. Playing feelings? No, alam niyong parehong tatlong araw lang kaya bakit niyo palalalimin, seseryosohin." may ilang tumango sa sinabi ni Caleb.
"Those who wants to play then play, but for those who doesn't like the game we are not obligated to play. Problem solved." naningkit ang mga mata ng mga kaibigan ni kuya sa sinabi ko. May mali ba?