Hiram

12 3 0
                                    

"Nakakainis nga, buong buhay ko halos ginugol ko dito sa hospital. Punyeta naman kasing sakit sa puso oh." reklamo ni Via habang tinutupi ang kumot niya.

Kaklase ko si Via mula elementary, magkaibigan na kami mula noon at nasaksihan ko kung gaano kahirap ang naging buhay niya dahil sa sakit niya sa puso. Hindi siya pwedeng mapagod, tumakbo, masyadong matuwa at kung ano-ano pang magt-trigger para atakihin siya sa puso. Madalas siyang lumiban sa klase para sa check-ups at iba pang bagay tungkol sa puso niya kaya ako na mismo ang dumadalaw sa kanya sa hospital.

Hinagis ko sa kanya ang isa sa mga apple na dala ko na agad naman niyang nasalo at kinagatan.

"Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na may darating na donor para sa puso ko kaso kelan pa? Tumatanda na ako lahat-lahat wala pa rin." nakasimangot siyang umupo sa kama niya kaya tumabi ako sa kanya at inakbayan siya.

"Basta hangga't wala pang donor mag-ingat ka para hindi ka mapahamak." seryoso kong sabi kaya hinampas niya ako sa mukha na tatawa-tawa.

"Amethyst napaka seryoso mo naman. Syempre no! Ayoko pang mamatay. Virgin pa kaya ako." muli siyang kumagat sa mansanas. "Nakakainis nga kasi kahit makipagjugjugan bawal ako baka masyado daw sumaya ang puso ko. Ah basta bago ako mamatay sisiguraduhin kong nakatikim na ako." ngiting-ngiting sabi niya kaya napangiwi ako at binatukan siya.

"Sira ka talaga 'yan pa inisip mo." kinuha ko ang unan niya at hinampas sa mukha niya. Ang baliw tumawa-tawa lang.

"Umamin ka nga Amethyst, ginawa niyo na ni Thorn ang bagay na 'yon diba? Diba?" pang-uusig niya na sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko kaya namumula ko siyang hinampas dahilan para mas matawa siya.

"Hoy gaga ano nga?" muli niyang tanong kaya pikit-mata akong tumango. Nagtitili siya na animo'y kinikilig.

"OMG! OMG! OMG! Accckkk!" kinikilig niyang niyakap ang unan niya kaya natawa nalang ako.

Bigla siyang sumimangot na tumingin sa akin. "Amethyst bakit hindi mo naman sinasabi sa akin? Kung hindi pa ako nagpumilit hindi ko pa malalaman."

"Kaya nga ako pumunta dito, isa 'yon sa dahilan. Balak ko talagang sabihin sayo kaso kanina pa umuurong dila ko sa hiya. Kagabi lang nangyari." nahihiya kong kwento. Kinikilig niya akong pinaghahampas, natawa nalang ako sa inakto niya akala ko mag-iiba tingin niya sa akin. I'm just 20 tapos binigay ko ang pinakaiingatan ko bilang babae.

"Hindi mo naman siguro iniisip na pandidirian o pag-iisipan kita ng masama dahil hindi ka na virgin? Potangna Amethyst hindi ko gagawin 'yan. Tuwang-tuwa pa nga ako." tumatawa niyang sabi na hinampas sa akin ang unang hawak niya.

"Sanaol! Basta kapag napalitan na puso ko magjojowa at makikipagjugjugan talaga ako." tumatawa kaming parehas na naghampasan. Kahit kailan talaga iba sira ng babaeng ito.

---


Humahangos at nanginginig akong tumigil sa kakatakbo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Via. Nagmadali akong nagpaalam at umalis sa school matapos kong malaman na inatake sa puso si Via. Umiiyak akong nakatayo sa labas ng kwarto niya. Tapos na daw ang operasyon at hanggang ngayon wala pa siyang malay.

Hindi ako umalis hangga't hindi siya nagigising.

Laking tuwa ko nang makita kong nagising siya at kahit nanghihina ngumiti siya. Agad kong tinawag sila tita at ang doktor. Alas otso na kaya minabuting sabihin ni tita na umuwi na ako dahil may iba pang test ang gagawin kay Via.

---

Kinabukasan muli akong bumisita at naabutan ko siyang nanghihinang nakahiga sa kama niya. Nang makita niya ako agad sumilay ang ngiti sa labi niya at umupo sa kama. Umupo ako sa tabi niya gaya ng gusto niya.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon