"What if bigla akong mamatay? May makaka miss kaya sa akin?" wala sa sariling tanong ko. Agad akong binatukan at pinagpapalo ng mga kaibigan ko."Aray." natatawang reklamo ko.
"Pinagsasabi mo? Tigil tigilan mo kami ha!"
"Tae ka Safira hambalusin kita jan makita mo."
"Anong mamatay? Sapak gusto mo?"
"Isa pa hindi na kita papansinin sige ka."
Palihim akong napangiti sa inakto ng mga kaibigan ko.
"Ano ba what if nga lang diba? Bigla lang sumagi sa isip ko HAHAHA." tumawa ako para mawala ang masama nilang titig sa akin.
.
.
."Safira gising na male-late ka na." bumangon ako pero nakatingin pa rin si Ate sa higaan ko.
"Uy, Fira hindi magandang biro yan. Gising na." kinakabahan ang tono ni Ate kaya tinignan ko kung saan siya nakatingin.
Nakikita ko ang katawan kong nakahiga sa kama. Anong nangyayari? Bumaba ako sa kama ko upang mas makita ang nangyayari.
"F-Fira naman.. Uy.. M-Ma!" dahil sa tono ng boses ni Ate kinakabahang dumating si Mama sa kwarto ko.
"A-Anong nangyari?" bakas sa boses ni mama na natatakot siya.
"Si F-Fira hindi na humihinga." humagulhol na si Ate, napapikit si Mama at agad na nasalo ni Ate nang matumba ito.
Shit, shit, shit, hindi totoo to. Ate.. Ma..
Hindi ko na rin napigilang umiyak sa nalamang nangyari sa akin at makita silang magkaganito.
Lumapit ako sa kanilang dalawa na umiiyak na nakaupo sa sahig upang yakapin... ngunit tumagos lang ako. Hindi ko sila mahawakan. Mas lalo akong naiyak.
"Ma.. Ate.. S-Sorry.. Lumaban naman ako, alam niyo yan."
"Ma, tatawagan ko lang ang mga kaibigan niya." tumango si Mama sunod ay lumapit sa katawan kong wala ng buhay. Hinaplos haplos niya ang buhok ko na mas nagpaluha sa akin.
"Anak, masakit. Pero kailangan kong tanggapin. Kung nasaan ka man magpakasaya ka anak, 'wag mo kaming intindihin ng Ate mo." kahit alam kong hindi ko magagawa ay sinubukan ko siyang yakapin.
"Mahal na mahal ko kayo Ma. Sorry sa lahat, pakatatag kayo ni Ate."
Nagtungo ako kay Ate na nahihirapang tumawag dahil puro iyak siya. Bago pa siya makatawag ginusto kong makarating sa classroom at pagdilat ko nasa room na ako.
Nang makita ko ang apat kong mga kaibigan ay agad akong nagtungo sa kanila upang yakapin sila. Pero tumagos lang ako..
May tumawag kay Thana, si Ate panigurado. Natigilan siya nang sandaling sagutin niya ang phone. Bigla siyang napaupo at biglang umiyak.
"Uy bakit? Sino yon?"
"Anong sabi bakit umiiyak ka?"
"Thana naman pinapakaba mo ako."
"S-Si.. S-Safira.. Wala na."
"Paanong wala? Lipat school?" umiling si Thana.
"Wala na.. Patay na." agad siyang yumuko sa mesa at umiyak.
Natigilan silang tatlo na tila hindi pa makapaniwala sa sinabi ni Thana at iniisip kung nagsasabi ba ito ng totoo. Hanggang sa umiyak na rin sila.
Ang sakit, ang sakit sakit na makita silang umiiyak at dahil sa akin yon.
Nakita ko ang ilan kong kaklase na nakarinig sa sinabi ni Thana na natahimik din.