"Baby, wait here may kukunin lang ako. 'Wag kang aalis hangga't hindi ko sinasabi."Ilang beses akong tumango kay mama, "Opo."
This is the best day ever. Sa wakas pumayag si mama na pumasyal kami. Ilang beses ko na itong sinasabi sa kanya ngunit lagi siyang tumatanggi dahil busy siya. Ngayon ay free siya kaya sumugod agad kami sa Luneta Park. At ang happy part? It's my 10th birthday.
Natigil ako sa pagsipsip sa Dutch Mill ko nang may lalaking lumapit sa akin.
"Sabi ng mom mo sunduin daw kita. Ihahatid kita sa kanya." this man looks nice naman kaya tumayo ako at sumama sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko to make sure na hindi ako maliligaw.
Patungo kami sa kalsada pero hindi dito dumaan si Mama.
"Kuya hindi dito pumunta si Mama." tinignan niya ako ng parang sinasabing tumahimik na lang ako. Maybe mama went here nang hindi ko napansin.
Tumigil kami sa tapat ng isang puting van. "Nasa loob ang mama mo pasok ka na." Anong ginagawa niya sa loob? Nagkibit balikat ako at minabuting pumasok nalang.
Pagbukas ng lalaki na pinto ginusto kong tumakbo sa nakita ko. Wala si mama dito, tanging mga batang walang malay at may busal sa bibig lang ang nandito.
Tatakbo na sana ako nang buhatin ako ng lalaki at tuluyang maisakay sa van.
"Mama! Tulong! Tulungan niyo ako!" pinilit kong kumawala sa lalaki pero hindi ko magawa. He's too strong for me. Tinakpan niya ng panyo ang bibig ko at itinali ang mga kamay ko.
Bago tuluyang maisara ang pinto nakita ko pa si mama na hindi mapakaling hinahanap ako hanggang sa magtama ang paningin namin. Gulat na gulat siya at tumakbo patungo sa akin habang sinisigaw ang pangalan ko ngunit naisara na ang pinto at tuluyan nang umandar ang van. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko at pagsisising sumama ako sa lalaki. Hindi dapat ako naniwala sa kanya! Maya-maya nakaramdam ako ng antok at tuluyan nang nawalan ng malay.
Paggising ko nakita ko ang mga kapwa ko bata na nakakulong. Ngunit di tulad kanina ay wala na kaming mga busal o tali sa paa o kamay.
Nilapitan ako ng isang batang babae.
"Isa ka sa bagong kuha diba?" tumango ako.
Sumandal siya sa pader na kinasasandalan ko rin pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Hindi na tayo makakaalis dito. Isang linggo na ako dito, nakita ko na rin kung anong ginagawa sa atin. Yung iba kinukuha nila pagkabalik ay may tahi na sa katawan. Kinuhanan ng kidney, atay o kung anong pwede nilang kuhanin. Yung iba hindi na nakakabalik dito. Hindi ko alam kung namatay o naibenta na." kinilabutan ako sa sinabi niya at tanging pagyakap sa tuhod ko ang nagawa ko habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.
"Ako si Gwen." nginitian niya ako na kahit papaano ay nakawala ng kabang nararamdaman ko.
"Astra." pakilala ko, nginitian ko rin siya.
"Alam mo Astra tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na muli kong makikita ang pamilya ko." marahan siyang natawa. "Pinagsisisihan kong nagtampo at sinigawan ko ang mga magulang ko. Kung hindi ako nagtampo sa kanila dahil lang hindi nila ako binilhan ng tedy bear na gusto ko ay hindi ako lalayo sa kanila at hindi ako makukuha ng mga taong ito. Mamamatay na lang ako na hindi ako makakahingi ng tawad sa kanila." agad akong umiling sa kanya at tinignan siya sa kanyang mga mata.
"Gwen hindi, hindi tayo mamamatay. Makikita pa natin ang pamilya natin 'wag tayong mawalan ng pag-asa." naiiyak na sabi ko sa kanya. Nagsisimula na ring may mamuong luha sa kanyang mga mata. Nginitian niya ako ng pilit na ngiti na mas nagpabigat ng nararamdaman ko.