Hindi Sapat

12 2 0
                                    


"Bitawan mo ang cellphone mo magbasa ka ng mga notes mo." tumango at nagtungo ako sa aking silid kahit labag sa aking kalooban.

•••

"Hinay-hinay baka sumabog na utak natin niyan." si Prince na sinita ako sa pagbabasa ko ng notebook ko.

"Vacant natin, walang teacher uso maglibang 'wag puro aral, nakakamatay." dagdag ni Lhea.
.
.
.
"56/60? Apat na nga lang hindi mo pa naitama. Kamay!" agad kong nilahad ang dalawa kong palad na agad nakatanggap ng apat na palo mula sa kawayang pamalo ni Papa sa akin sa bawat mali ko sa mga pagsusulit.

"Bumalik ka na sa kwarto mo, magreview 'wag magcellphone." tumango ako bago tuluyang nilisan si Papa.

"Cole!"

"P-po?" muntik na akong natalisod sa pagkagulat sa biglaang pagtawag niya sakin.

"Iwas muna sa babae, aral ang unahin." tumango ako at tumuloy na sa paghakbang.

Kahit hindi naman niya sabihin iiwas talaga ako. Wala akong interes sa mga babae. Siguro dahil na rin sa ginawang pangangaliwa at pag-iwan sa amin ni Mama.

Nakita kong lumabas mula sa kwarto ko si Rage, kuya ko na mas matanda lang ng dalawang taon. Agad akong lumapit dito na bakas sa kilos ang pagkagalit.

"Anong ginawa mo sa kwarto ko? Ilang beses ko ba dapat sabihing ayokong may ibang pumapasok sa kwarto ko." madiing sabi ko na nagpipigil hawakan ang kwelyo ng damit niya.

Natatawa siyang sinagot ako. "Nothing bro, 'wag kang mag-alala wala naman akong pakikialaman don. Tinignan ko lang kung may porn ka sa laptop mo pasend sana kaso masyadong inosente laptop mo, bulok." tinapik niya ang ulo ko na agad kong tinanggal.

"Gago 'wag mo akong itulad sayo." nilampasan ko siya, agad na pumasok sa kwarto ko. Bago ko maisara ang pinto nagsalita siya na kinabahala ko.

"Thank me later!"

Agad kong binuksan ang laptop ko at hindi nga ako nagkamali, punong-puno ng kalaswaan. Napahilamos na lang ako sa mukha sa kalokohan ni Rage.

Pagkatapos kong burahin lahat ng kalokohan ni Rage ay plano ko nang ayusin ang research na submission na bukas ngunit kahit anong ulit ang gawin kong paghahanap ay hindi ko talaga mahanap shit.

Napapikit na lang ako ng maalala kong nagtungo si Rage dito. Nagmadali akong nagtungo sa tapat ng kwarto niya at walang tigil sa paghampas sa pinto.

"Welcome. " bungad niya sa akin na may malaking ngisi.

"Gago. May denelete kang kahit ano don?" kunwari pa siyang nag-isip na para bang talagang nag-iisip siya.

"Ah! Meron pala kahit sa Trash Bin binura ko rin. Yung file tungkol sa Phobias napakalaki kasi ng MB nahirapan akong pasahan laptop mo kaya binura ko. Ano? Pinanood mo na? Ganda ng mga–" hindi ko na siya pinatapos at agad na akong tumalikod pabalik sa kwarto ko habang minumura siya sa isipan ko.

Bukas na submission non halos isang linggo kong ginawa yon paano ko gagawin ng isang gabi? Kapag ako talaga bumagsak tangina niya.

Gising ako buong magdamag para gawin ang research ko. Natulog ako ng 2:00 gumising ako ng 4:00 kaya talagang kulang ako sa tulog. Pero kahit anong effort ang ginawa ko hindi ko talaga natapos.

Pakikiusapan ko nalang ang Prof. namin kung pwedeng iusog sa susunod na araw bahala na.

Palabas na ako ng bahay ng maalala kong may summative pala kami. Hindi ako nakapagreview kagabi dahil sa paggawa sa research na hindi ko rin natapos. Mamaya na lang ako magrereview may oras pa naman siguro.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon