"Guys mahirap daw yung test sa English sabi ng kabilang section."
"May test?"
"Gaga di ka kasi nakikinig."
Kahit narinig ko na mula sa mga kaklase ko na may test kami ay hindi na ako nag-abala pang buklatin ang notebook ko. May stock knowledge naman ako.
--
"16/50 taas ah." pang-aasar ng katabi ko.
"Bakit ilan ba sa'yo?"
"17, at least mas mataas pa rin ako sayo."
Ok oo na ako na si hindi matalino student. Anong magagawa ko kung hindi talaga pumapasok sa utak ko kahit anong basa ang gawin ko.
"Bilang na naman sa dalawa kong kamay ang pumasa. Nag-aaral ba kayo ng mabuti? Hindi niyo tularan si Lance, ni minsan hindi nalaglag sa top, lagi pang nangunguna. Hay ewan ko ba sa mga kabataan ngayon." pagkatapos mag high blood ni ma'am sa section namin ay lumabas na siya.
Tinignan ko ang Lance na tinutukoy niya. Yep matalino, consistent honor student, basketball player, volleyball player, badminton player, swimmer, magaling mag-drawing, can play guitar, piano, flute, drum, I even saw him played a violin noon, magaling kumanta, sumayaw and a good actor. Hindi ko nga alam kung may hindi ba siya kayang gawin.
Edi siya na pinagpala. Kulang nalang talaga sa kanya smile. He's totally handsome kaso kasing lamig nga lang ng yelo. Hindi siya magsasalita kung hindi talaga kailangan.
Naalala ko nga nung 1st year kami katabi ko siya for 1 grading and of course may mga admirers siya kaya nakakatanggap ako noon ng mga paalala na 'wag na 'wag daw akong magkakamali magkagusto sa kanya like what the F? .
At maniwala ka o hindi, hindi kami madalas mag-usap noon kahit magkatabi pa kami.
Balik tayo sa mga nagkakagusto sa kanya, I think 5% nalang ng mga babae ang hindi nagkakagusto sa kanya. And I am proud to say that I belong sa 5% na 'yon.
Until one day, role play namin he was the leading man at ako ang leading woman. Kahit hindi ako katalinuhan ay maipagmamalaki ko naman na magaling ako sa pag-arte.
I think dahil sa galing ng pag-arte niya kaya biglang napansin ko nalang sa sarili ko na attracted na pala ako sa kanya ng kaunti.
"Sarado mo bibig mo baka pasukan ng langaw." naagaw ang atensyon ko nang magsalita ang kaibigan ko.
"Luh kanina pa ba ako nakatulala?"
"Kanina pa. Kanina ka pa parang tanga dyan. Halika na nga baka matunaw si Lance." agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Leila, ano ba baka may makarinig sayo." bigla siyang humarap sa akin.
"Missy gumising ka nga, kasasabi ko lang na kanina ka pa nakatulala sa kanya, hindi mo ba naintindihan? Halos lahat na ng tao nakita kang nakatulala sa kanya. Tara na nga nagugutom na ako." What the F? Nakakahiya!
"Lance, Missy, I want to congratulate both of you. Ang galing niyo kanina."
Nginitian ko ang mga kaklase kong pumapalakpak. Nagawi ang tingin ko kay Lance na poker face lang. Marunong ba siyang ngumiti? Well nakita ko siyang ngumiti kaninang play pero ibang usapan 'yon.
Birthday ko na bukas pero hindi ako excited. Ewan ko ba simula nang tumuntong ako sa 13 years old nawalan na ako ng gana na i-celebrate ang birthday ko. Siguro dahil na rin ng araw ng ika-labintatlong kaarawan ko ay ang mismong araw din na namatay si Daddy.
Sabado 'yon, walang pasok kaya kahit sinabi kong 'wag na maghanda ay nag-insist pa rin si Mommy. Night Party pa ang naisipan niya.
The night comes, sobrang daming tao sa bahay. Hindi ako masyadong nag-invite, close friends ko lang pero si mommy? I think she invited all her friends. Kaya yung mga anak ng mga kaibigan niya? Sila ang pumuno sa bahay.Madaldal ako pero may limitations naman. Nahihiya ako sa mga nandito sa bahay dahil mga honor student sila at maraming maipagmamalaki. Samantalang ako? Never mind.